UMAASA ang The Department of Trade and Industry (DTI) na ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa rehiyon ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ay makabubuo ng P80 milyong kita sa pangunguna nito sa ikalimang edisyon ng Mimaropa Naturally Agri-Trade and Tourism Fair na gaganapin sa Oktubre 16 – 20, 2019 sa Megatrade Halls 1 and 2, SM Megamall, Mandaluyong City.
Nasa 280 MSMEs mula sa mga probinsiya ng Occidental at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan ang magpapakita ng kanilang lokal na produkto at mga destinasyong pang-turista sa limang araw na fair, na magtatampok din sa One Town, One Product (OTOP) Next Gen special setting na may higit na 150 bago at upgraded na product designs.
Pahayag ni DTI Mimaropa Regional Director Joel B. Valera na ang pag-asam nila ng mataas na kita ay dahil sa mataas na kalidad at pangkom-petensiyang mga produkto ng MSMEs sa rehiyon at dahil sa ang agri-trade and tourism fair ay umaasa rin na makatutulong para masimulan ang pananaw ng MSMEs na makapasok sa mainstream domestic and export markets, na magreresulta sa pagkakaroon ng trabaho na makasusuporta sa Trabaho and Negosyo agenda ng administrasyon.
Kumita lamang ng P4.7 milyon sa pagbubukas nito noong 2015, nakakuha naman mula noon ang Mimaropa Naturally Agri-Trade and Tourism Fair ng atensiyon sa mga sumunod na taon at nitong nakaraang taon, ay kumita ito ng P70 million—na malayo sa kanilang aktuwal na target na P50 million benta.
“Mimaropa MSMEs’ enthusiasm in this agri-trade and tourism fair is very high since we started this trade fair in 2015, we set the bar higher by providing them business technical assistance. We make sure we closely monitor the MSMEs’ progress so we can allure buyers from the capital. Hopefully we can reach or even exceed the target,” paliwanag ni Valera.
Ang mga produkto na isasama sa exhibit sa agri-trade and tourism fair ay ang mga processed food, furniture and home furnishings, wearables, such as fashion accessories, bags and footwear, and gifts and holiday decors.
Isa sa mga highlight ng exhibit ay ang OTOP Next Gen special setting na magtatampok ng mga produkto ng MSMEs na tinulungan ng ahensiya sa pamamagitan ng OTOP Next Gen program sa pagbabago ay pagkakaroon ng inobasyon pagdating sa kalidad, development ng produkto, disenyo, packaging, standards compliance, marketability, production capability, brand development, at iba pa.
Dagdag pa sa highlights, ang ahensiya na nag-imbita ng mahigit na 500 institutional buyers mula sa Metro Manila para sa closed-door buyers’ hour para matulungan ang MSMEs na maka-link sa mga malalaking kompanya at mapalawak pa ang maabot ng kanilang produkto.
Puwedeng magbayad sa cashless basis dahil ang DTI ay kumuha na rin ng electronic payment transaction para matulungan at magkaroon ng kapasidad ang MSMEs na gamitin ang online payment solutions. Puwedeng bumili o magbayad ang mga mamimili gamit ang G-Cash, PayMaya, at Dragon Pay applications.
Ang 2019 Mimaropa Naturally Agri-Trade and Tourism Fair sa pakikipag-partner sa Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Tourism (DOT), sa koordinasyon ng provincial at city governments ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.
Comments are closed.