DTI INAASAHAN ANG PAG-APRUBA NI PDU30 NG BAGONG EXPORT PLAN NG BANSA

INAASAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) bilang pinuno ng Export Development Council (EDC) ang pag-apruba ni  Presidente Rodrigo Roa Duterte ng bagong Philippine Export Development Plan (PEDP) 2018-2022 matapos na makakuha ng pag-iindorso ng bansa ng Economic Development Cluster noong nakaraang Hunyo 14 ngayong taon.

Ang PEDP 2018-2022 ay ang limang taong roadmap na tumutukoy sa mga estratehiya na susuporta para abutin ang  export target ng bansa, ang mapagbuti ang export competitiveness ng Pinas.

“Past PEDPs have been helpful in setting the direction that we implement to attain our targets. With the new plan, we aim to level up our initiatives and address recurring issues through concrete and efficient action plans that will benefit both the public and the private sector,” paliwanag ni Trade and Industry Secretary Ramon M. Lopez.

Noong 2017, tinukoy ng PEDP ang target na $92.15 billion sa exports revenues para sa magkasamang merchandise at services exports. Ang PEDP ay naging paraan sa pag-hit ng target at lalo pang na­lampasan sa actual exports revenue na $98.84 billion noong  2017.

Binanggit din ni Lopez ang layon ng PEDP para maitugma ang mga inis­yatibo na makatutulong para maabot ang end-period target for exports na $122 billion sa 2022 na natukoy sa Philippine Development Plan (PDP). Kaya,  imbes na ang dating PEDP ang may three-year rolling plan sa ilalim ng Export Development Act (RA 7844), ang PEDP 2018-2022 ay nagpapalawig pa ng end-period ng PDP.

“This intensifies the mandate to the Export Development Council and the DTI to strictly implement and efficiently cascade action plans as it becomes integral in attaining the medium-term plan in PDP and in the long-run, in attaining the Ambisyon 2040,” dagdag ni Lopez.

Tinukoy ng PEDP 2018-2022 ang tatlong estratehiya na naglatag ng action plans na susuporta sa paglago ng exports industry sa darating ng panahon.

Ang unang estratehiya ay nakatutok sa layon ng gobyerno na mapabuti ang overall climate para sa export development sa pamamagitan ng pag-aalis ng hindi kinakailangang regulatory impediments, enhancement of trade facilitation, improved access to trade finance at exports’ competitiveness.

Ang pangalawang estratehiya na tinukoy ay ang paggamit ng kasaluku­yang prospective opportunities mula sa trading arrangements. Ang DTI ay meron nang programa na naglalayon na madagdagan ang kaalaman ng maraming oportunidad na inihahandog ng free trade agreements (FTAs) na kasalukuyang tinatamasa ng Filipinas. Sa bagong PEDP, ang pangalawang estratehiya ay nagpanukala ng dedicated program tulad ng DTI Doing Business in Free Trade Areas (DBFTA) para patibayin ang promosyon sa mga ina­asahan at kasaluku­yang exporters.

Panghuli, ang planong pagdidisenyo ng komprehensibong pakete para maitaguyod ang piling produkto at serbisyo.

“We are working closely with the private sector and other government agencies in attaining success on this and we welcome the issuance of the Memorandum Circular No. 27 in October last year that directs all concerned and relevant agencies to strengthen the implementation of the PEDP in the coming periods with their identified roles and tasks,” paliwanag ni DTI Undersecretary for Trade and Investments Promotion Group Nora K. Terrado.

Malawig pang tinukoy ang ginagampanan ng mga ahensiya pagda­ting sa implementasyon ng PEDP. Madali itong iniugnay sa PEDP na mas lalong sinusuportahan ng PDP ang kanilang mas pinaigting na synchronization at pagpapatibay ng oras at targets. Matapos na maaprubahan ang PEDP, hahawakan ng Export Development Council ang mga engagement ng mga kaanib at kasali sa buong bansa.

Comments are closed.