DTI ININSPEKSIYON ANG PRESYO NG NOCHE BUENA ITEMS

NOCHE BUENA ITEMS

ININSPEKSIYON ni Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Atty. Ruth B. Castelo ang presyo at suplay ng Noche Buena items sa mga piling supermarkets sa Sta. Cruz, Manila noong nakaraang Disyembre 2.

Layunin nito na matiyak na mabibili ng mga Pinoy ang reasonably-priced at quality products sa darating na holiday season.

Sa pamamagitan ng price monitoring ng team, nalaman ni Undersecretary Castelo na sumusunod ang mga binisitang supermarket sa Noche Buena Price Guide. Gayundin, ang lahat ng Shelf Keeping Units (SKUs), kabilang ang Noche Buena items, ay may angkop na price tags.

Bukod sa Noche Buena products, ininspeksiyon din ng “Ikot Palengke” program na pinamamahalaan ng price monitoring task force ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ang presyo at suplay ng processed at agricultural basic necessities and prime commodities (BNPCs), accuracy ng weights at measures, at ang angkop na price tags.

Isinagawa ni Trade Secretary Fred Pascual ang pilot run ng “Ikot Palengke” sa Marikina City para i-monitor ang suplay at presyo ng basic necessities and prime commodities at maiwasan ang mapang-abusong business practices tulad ng illegal price manipulation at profiteering.

“As we get busy in preparation for the upcoming holidays, we remind our Filipino consumers to exercise their right to choose. Sa darating na Kapaskuhan at sa pagsalubong sa Bagong Taon, patuloy ang pagbabantay natin sa presyo at suplay ng mga pangunahin bilihin para masiguro ang mura at masaganang salu-salo para sa bawat pamilyang Pilipino”, pagtitiyak ng Trade chief sa consuming public.