PINIRMAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPO-PHL) kamakailan ang kasunduan para ipagpatuloy ang Trademark Registration Incentive Program, na tinawag na Juana Make a Mark, na sinimulan noong isang taon. Naglalayon ang programa na serbisyuhan ang 1,000 MSMEs na gustong protektahan ang kanilang trademarks.
“We are extending this assistance program to get more MSMEs, especially in far-flung areas of the country, into the fold of protecting their trademarks. The success of the first round of the program shows MSMEs are realizing the significance of trademarks give, such as an edge in marketing their products,” pahayag ni Josephine R. Santiago, director general ng IPOPHL.
Makapagtitipid ang MSMEs ng hanggang P3,000 sa ilalim ng programa, habang hindi na sila magbabayad ng basic filing fees, fees for claim of color a publication fee. Tinawag ni Trade Secretary Ramon M. Lopez ang Juana Make a Mark bilang bahagi ng kanilang estratehiya para matulungan ang MSMEs na makasali sa kanilang local supply chain at sa global market sa darating na panahon.
Nagtakda na rin ang gobyerno ng mga kuwalipikasyon ng MSMEs bago sila makapag-apply. Before. Dapat sila ay mayroon nang pinatatakbong negosyo na kabilang sa priority sectors ng DTI at IPOPHL; ang lokasyon nila ay malapit sa natural na kalamidad at nahaharap sa hamon ng pang-sosyal at ekonomiya; at may business names sa ilalim ng DTI.
Mayroon din dapat silang dalawang unregistered marks sa mga gamit at serbisyo; hindi hihigit sa lima ang kawani; at nasa negosyo na ng hindi bababa sa isang taon at limitado ang kapasidad na pinansiyal.
Ang sektor na nasa prayoridad ng DTI at IPOPHL ay ang mga sumusunod: agricultural business, including food and resource-based processing; aerospace parts; automotive parts; chemicals; electronics manufacturing and semiconductor manufacturing services; construction; and design-oriented furniture and garments. Kasama rin sa listahan ang shipbuilding; information technology and business process management; tool and die; tourism; at transport and logistics.
Nagsimula ang IPOPHL ng kanilang programa noong isang taon at may target na 1,000 trademarks na dapat marehistro sa loob ng isang taon. Naniniwala ang ahensiya na ang aktibong partisipasyon ng MSMEs sa unang bahagi ng Juana Make a Change ay pruweba ng kanilang kahalagahan.
Karamihan sa trademark sa unang bahagi ng programa ay nasa klase ng paggawa ng pastries, delicacies, coffee, tea at sugar. Ang sumunod na klase na may pinakamaraming trademark applications ay sa mga processed food mula sa prutas at gulay.
Dahil sa pagpapatuloy ng programa, maraming MSMEs ang nakikitang gagamit ng kanilang trademark system para lalong mapag-ibayo ang kanilang pakikipagkompetensiya.
Ang extension ng program ay pinirmahan nina DTI Secretary Ramon Lopez at IPOPHL Deputy Director General Teodoro C. Pascua. ELIJAH FELICE ROSALES
Comments are closed.