DTI KINASUHAN ANG PROFITEERS

KASUNOD ang pagdagsa ng supply at price monitoring ng N95 at surgical masks, nahuli ng Department of Trade and Industry (DTI) ang  18 retail establishments na nagkaroon ng overpricing sa mga mahahalagang produkto.

Agad silang inisyuhan ng notices violations para mabigyan ng due process. Dahil hindi supisyente ang paliwanag, agad ding itinuloy ng DTI ang pagsasampa ng kaso na nagpapatupad ng multa ng hanggang P300,000 bawat tindahan.

Sa pagsabog ng  Taal Volcano noong Enero  12, 2020 na nakaapekto hindi lamang sa Calabarzon kundi sa mga nakapaligid na mga lugar kasama ang Metro Manila, nakatanggap ang Department of Trade and Industry (DTI) ng report ng umano’y overpricing ng face masks tulad ng N95, surgical, at iba pang tulad nito ng ibang establisimiyento.

Nagbigay ng order si Secretary Lopez sa Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) na agad magsagawa ng prices and supply monitoring ng mga naturang produkto. Nang mga sumunod na araw, ipinatupad ang enforcement activities sa Bambang, Manila sakop ang 17 establisimiyento, 12 rito ay naisyuhan na ng Notices of Violation (NOVs) pursuant to the Consumer Act of the Philippines or Republic Act No. 7394.

Muling nagsagawa ng isa pang round ng enforcement activites ang FTEB at nakita sa report na may anim pang establisimiyento ang naisyuhan ng NOVs dahil sa overpricing. Ini-report din ng FTEB na ang presyo ng N95 ay biglang tumaas mula sa Php50.00 hanggang Php180.00 bawat isa ang karamihan pa sa kanila ay na-monitor na at ang mga nabanggit na produkto ay nabenta na dahil sa rami ng demand.

Pinagsusumite ang 18 establisimiyento na may NOVs ng kanilang paliwanag sa loob ng 48 oras mula sa pagkatanggap ng kanilang notice.  Kapag hindi katanggap-tanggap ang paliwanag, ang NOVs ang magreresulta sa Formal Charges laban sa mga lumabag  ayon sa Article 52 of Consumer Act lalo na sa pagbebenta ng N95 sa Unfair or Unconscionable price at pagsasamantala sa sitwasyon.

Nagbabala si Secretary Lopez sa mga tindahan o establisimiyento laban sa pagsasamantala sa mataas na demand sa pagtataas ng kanilang presyo na sobra sa tunay na ha­laga ng mga nasabing produkto. Dagdag din niya na ang mga nabanggit na establisimiyento ay nahaharap sa multa na aabot sa Php300,000.00 depende sa bigat ng paglabag.

Para sa iba pang katanungan, pagliliwanag, at reklamo, agad makakakonek ang konsyumer sa Consumer Care hotline at 1-DTI (1-384) o mag-email sa [email protected].