IPINAKITA ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong industrial policy ng gobyerno ng Filipinas na magtutulak para sa pagbabago at magpapatatag ng PH-Japan trade and investment relations.
Sa ginanap na Nikkei BP Publications’ PH-Japan Business Investment Forum kamakailan, tinalakay ni DTI Undersecretary Rafaelita Aldaba ang Inclusive Innovation Industrial Strategy (i3S) at ang mga lugar na puwedeng magkaroon ang Filipinas at Japan ng kolaborasyon sa ilalim ng nabanggit na polisiya.
“In the context of these trade and investment trends between the Philippines and Japan along with global developments such as the entry of new technologies, we feel the need to focus our efforts on innovation to address the opportunities and challenges arising from Industry 4.0 but also from increasing global competition, US-China trade war, and regional economic integration,” sabi ni Usec. Aldaba sa mahigit na 600 miyembro ng Japanese business community.
“i3S puts innovation at the heart of our industrial policies. Our goal is to grow globally competitive and innovative industries,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ng Undersecretary ang pagsisikap ng Filipinas para mapabuti ang kanyang pagbabago at entrepreneurship eco-system sa pamamagitan ng malakas na kolaborasyon sa lahat ng gobyerno, academe, at industriya; gumamit ng bagong teknolohiya para maging mas competitive ang industriya ng bansa; bawasan ang mga hadlang sa pamumuhunan; at pag-ugnayin ang manufacturing sa agrikultura at industriya para mapalawak ang PH global value chain participation.
“With Japan and the Philippines sharing complementing natural and human resources, technology and innovation will play a key role in helping us achieve the full potential of our economic partnership with Japan,” ani Philippine Trade and Investment Center (PTIC) – Tokyo Commercial Counsellor Dita Angara-Mathay.
Kasabay ng PH-Japan Business Investment Forum, walong investment meetings ang inayos ng PTIC-Tokyo, DTI field office sa Japan kasama si Undersecretary Aldaba at iba pang Japanese firms para talakayin ang mga oportunidad sa negosyo sa Filipinas. May total na USD 215 million halaga ng investment projects sa Filipinas ang nai-report matapos ang mga nabanggit na miting.
Ang mga intensiyong pangnegosyo na sumasakop sa infrastructure development, railways, Electric Vehicle (EV) public transport systems, retail, manufacturing, logistics, warehousing, factory automation, construction, at real estate industries—ay ipinakita at tinalakay ni Undersecretary Aldaba at Commercial Counsellor Angara-Mathay.
Kasama sa investment projects ang pagbubukas ng unang MOS Burger ng Filipinas, pangalawang burger chain ng Japan, sa Marso 2020; Assemblepoint Co., Ltd sa interes nitong gumawa ng smart 4WEV (4-wheel EV) gamit ang pinakahuling IOT technologies; intensiyon ng Japanese anime studio Satelight na mag-outsource ng animation work sa bansa, gayundin ang bagong pasilidad ng Kanepackage factory.
Iprinisinta ng Sumitomo Wiring ang kanilang dalawang expansion projects sa wire harness and components manufacturing. Ibinahagi rin ng Marubeni Corporation ang kanilang joint venture project sa Metro Pacific at LSI para magtayo ng 30 primary care clinics, 10 cancer centers, at maglagay ng limang centralized laboratory testing hubs sa strategic cities.
“There are many potential opportunities for the Philippines and Japan to deepen trade and investment partnership through innovation. I am delighted that the companies I met during this trip are making significant contributions in the areas of creating new industries, products and leapfrogging to Industry 4.0 by adopting smart manufacturing to transform our industries,” pahayag pa ni Undersecretary Aldaba.
“We will try to reach out to more Japanese companies specializing in among others, electrified vehicles & parts, advanced manufacturing, factory automation, mobility solutions and smart cities. Philippine startups are also seen as future drivers of innovation. More learning missions to Japan will be organized to facilitate new learnings on and establish key connections with holders of new technologies like Artificial Intelligence (AI),” pagbabahagi naman ni Commercial Counsellor Angara-Mathay.
Comments are closed.