DTI KUMAKATOK SA INT’L EXPOS PARA MAPASOK NG PINAS ANG MERKADO NG CHINA

Undersecretary Nora Terrado

MALAKI ang nakikitang potensiyal ng Department of Trade and Industry (DTI) na pa­sukin ang merkado ng China sa pamamagitan ng pagsali sa mga international trade expo at pasilitasyon ng negosyo sa negosyong pakiki­pag-ugnayan.

“Business-to-business activities are increasing and we see a lot of Philippine enterprises eager to penetrate the huge Chinese market. China’s recent move to open up more through lowering of its import tariffs and easing market access also present a wide-range of benefits for Philippine businesses. This can help us in our efforts to expand our exports to China,” paliwanag ni DTI Trade and Investments Promotion Group Undersecretary Nora K. Terrado.

Pinangunahan ng DTI kamakailan lamang ang pagsali ng bansa sa Salon International de L’alimentation or SIAL China na ginanap sa Shanghai, China mula Mayo 16 hanggang 18. Naging kinatawan ng bansa ng 16 na Philippine food enterprises na nagpakita ng nangungunang produkto ng Pinas sa pagkain kasama na ang sariwa at prinosesong prutas, produkto ng niyog at mga panghalo.

Samantala,  pinangu­nahan naman ng DTI Philippine Trade and Investment Center (PTIC) Shanghai ang mga kasa­ling kompanya ng Fili­pinas sa isang pagpupulong sa mga potensiyal na distributors at iba’t ibang procurement entities sa Shanghai kasama ang isa sa nangungunang supermarket ng China na maraming sangay, ang City Shop Supermarket.

Sa nasabing okasyon, isa sa mga kasaling kompanya ng Filipinas ay ang Innovative Packaging Industry Corp., na naghahandog ng malusog na pagkaing prutas na kinilala at binigyan ng parangal bilang isa sa magaling na inobasyon sa pagkain dahil sa lasa nito at ang pagkakapakete ng produkto ng prutas na malutong.

Ang pagsali sa international trade exposition ay isa sa maraming paraan para maipakilala ang mga bagong produkto at serbisyo. Isa itong magandang oportunidad para makipag-usap sa mga potential buyer at distributor na puwedeng magdala ng Philippine MSMEs’ products sa mga potensiyal na merkado tulad ng China. “Hinihimok namin sila na makisuyo na gamitin ang inisyatibo ng gobyerno at suportahan ang serbisyo kasama ang pagsali ng bansa at exhibitions,” paliwanag pa ni Terrado.

Tinawag na pinakamalaking food fair sa Asia, ang SIAL China na sinalihan ng 67 bansa sa buong mundo. Ang pagsali ng Filipinas ngayong taon ay inayos ng DTI Export Marketing Bureau, Department of Agriculture at ang Consulate General of the Philippines in Shanghai.

“We are committed in expanding our exports in the coming periods that will lead to more investments and job opportunities in the country. With our focus on helping Philippine companies access markets abroad, we are optimistic that with China’s opening up to its trading partners, we will be able to lead more companies and achieve balance in trade between our countries,” ani Terrado.

Pinaghahandaan din ng DTI kasama ang pri­badong sektor na ka-partner ang pagsali ng bansa sa Nobyembre sa unang China International Import Expo (CIIE) kung saan ang mga bansa ay ina­asahang gagawa ng mga kubol ng bawat bansa na nakapokus sa pagbabago sa palitan ng mga gamit at serbisyo at iba’t ibang oportunidad sa iba’t ibang industriya at sektor. Sa Setyembre, inaasahan din na ang Filipinas ay sasali at gagawa ng mas malaking partisipasyon ng bansa sa China-ASEAN Expo (CAEXPO) na gaganapin sa Nanning, China.

Base sa nakatalang datos, nagpakita ang historical trend na mula 2015 hanggang 2017, ang merchandise exports sa China ang nagkaroon ng compound annual growth rate (CAGR) na  13.95%. Noong 2017, lumutang din ang China bilang nangungunang trading partner ng Filipinas na may total bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa. Plano ng DTI na pag-ibayuhin ang kanil-ang pagsisikap sa pagtulong sa mga negosyo na naglalayon na makuha ng merkado ng China.

Bibigyan ng support services sa mga negosyo ang DTI’s Export Marketing Bureau at Philippine Trade and Investment Centers na mayroon sa China sa mga pangunahing siyudad, sa Beijing, Guangzhou  at  Shanghai.

Comments are closed.