NAGBUKAS ang Department of Trade and Industry-Lanao del Norte (DTI-LDN) ng dalawang bagong Negosyo Cen-ters (NCs) sa Pantao Ragat at Poona Piagapo.
Sa pakikipag-partner ng DTI-LDN sa local government ng Poona Piagapo sa Lanao del Norte, naglunsad sila kamakailan ng Poona Piagapo Negosyo Center sa kanilang bulwagang bayan nitong Pebrero 12.
Ang opisyal na paglulunsad ay dinaluhan ni Vice Mayor Imelda Tanggote Polayagan, na naging kinatawan ni Mayor Mus-lima Tanggote Macol.
Sa kabilang banda, binuksan ang Negosyo Center Pantao Ragat noong Pebrero 6, sa bulwagang bayan ng Pantao Ragat, Lanao del Norte.
Ang pagbubukas ay dinaluhan nina Mayor Mohammad Daud Nabil Lantud, Secretary Al-Rajie Bayas, ang kanilang municipal planning development officer, at DTI Lanao del Norte team.
Ang Negosyo Center ay responsable sa pagtataguyod na pagaanin ang pagnenegosyo at pagpapaayos ng daan para sa serbisyo para sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs). Layon ng Republic Act No. 10644 na lalong kilala sa “Go Negosyo Act,” na palakasin ang MSMEs para makalikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho sa bansa.
Comments are closed.