MAGSISILBI na sa susunod na linggo ang Department of Trade and Industry (DTI) Antique provincial office ng kanilang price monitoring ng Noche Buena products.
Pahayag ni Glen Fernando, trade and development specialist sa DTI-Antique, sa isang panayam na nakatanggap sila ng bagong Suggested Retail Price (SRP) para sa Noche Buena products noong nakaraang linggo.
Ang bagong SRP ay ibinahagi agad sa retail stores sa probinsiya.
“Retailers are being reminded that they should sell their products within the SRP,” sabi niya.
Base sa SRP, ang 500 grams ng Swift Noche Buena ham ay may selling price na P135 habang ang 432 grams ng Seasons Tropical Fruit Cocktail ay ibinebenta ng P50.35 na ilan sa mga popular na produkto tuwing Pasko.
Idinagdag ni Fernando na maliban sa price monitoring ng Noche Buena products, hinihimok din ng DTI ang retailers para malaman kung ang Christmas lights na ibinebenta ay certified brands.
Pahayag nito, na malalaman ng retailers, gayundin ng konsyumer, na may certified brands dahil sa Philippine Standard (PS) mark at ang Import Commodity Clearance (ICC) sticker.
“The PS mark is proof that the product has passed the Bureau of Product Standard,” aniya.
Ang retailers ay dapat mag-post ng kanilang Philippine Standard Safety Certification mark, na dapat nilang hingiin mula sa kanilang suppliers para makita ito ng mga konsyumer sa produkto.
Ang monitoring ng Noche Buena products at Christmas lights na may certified brands ay magtatagal hanggang sa kata-pusan ng Disyembre 2019. PNA
Comments are closed.