PLANO ng Department of Trade and Industry (DTI) na magsagawa ng registration para sa online sellers pagkatapos ng COVID-19 crisis.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, individual seller man o platform o korporasyon ay kailangang may registry para alam ng mga awtoridad o ng Fair Trade Enforcement Bureau ng DTI kung sino ang hahanapin ‘pag may nagreklamo.
Aniya, naglalatag na rin ang ahensiya ng mga patakaran para mabantayan nang husto ang mga online seller.
Sa ilalim ng Consumer Price Act ay wala aniyang pagkakaiba ang mga produktong ibinebenta online o sa pisikal.
“Ang importante ang product itself. Kung ano ang retail prices na physical, ‘yon din dapat ang presyo sa online,” sabi pa ni Castelo.
Kasalukuyan na ring pinag-aaralan ng DTI ang delivery fees sa online selling.
Ayon sa opisyal, base sa kanilang mga pag-aaral, mas mababa ang delivery fee sa Filipinas kumpara sa ibang bansa sa Southeast Asia.
Comments are closed.