DTI MAGSASAGAWA NG 4TH ANNUAL MANUFACTURING SUMMIT

DTI ANNUAL MANUFACTURING SUMMIT

BILANG pagpapatuloy at pagsisikap na dalhin ang mga manufacturing sektor ng bansa sa mas mataas na lebel at bagong hangganan, magsasagawa ang Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipagpartner sa Federation of Philippine Industries (FPI) ng Manufacturing Summit 2019 sa Martes, Disyembre 3, 2019, sa Peninsula Manila, Ayala, at Makati Avenue, Makati City.

Nasa ika-apat na taon ngayon, titipunin ng summit ang mga kasanib mula sa gobyerno, academe, industry, at ibang development partners para talakayin ang mga kinakaharap na isyu na nakaaapekto sa Philippine manufacturing landscape.

Sa gitna ng hindi magandang daloy ng ekonimiya, lumalago ang Filipinas ng maayos sa kasalukuyang dekada, na nakapag-post ng annual average na 6.3%. Ito ay isang pambihirang pagbabago mula sa 4.5% average noong 2000. Noong 2018, lumago tayo ng 6.2%, isa sa pinakamataas sa Southeast at East Asia at nalagpasan ng kaunti ng China at Vietnam.

Habang ang long-term figures ng bansa ay maganda, lumago lamang ang manufacturing industry ngayong taon ng 2.4 percent sa third quarter ng 2019, mas mabagal kompara sa 3.8 percent na paglago na itinala nila noong parehong panahon ng nagdaang taon.

Ang nangungunang  industry contributory drivers sa paglago ngayong taon ay Chemical Sector na may paglagong  9.7%, Food na may 4.4%, Basic Metals na may 17.2%, machinery equipment na may 14.8%, at electrical machinery na may 14.4%.

Sa kabilang banda, may ilang sektor na kinontrata, na nagpababa sa paglago ng industriya. Nangunguna sa listahan ng mga bu­magsak ay Petroleum at ibang Fuel Products, 28.3%; Radio, Television and Communication Equipment and Apparatus, 4.3%; Furniture and Fixtures, 11.3%; and Transport Equipment, 5.7%.

Ang mababang paglago ng bilang ngayong taon ay nagbigay ng hamon sa manufacturing sector para muling maggrupo at tingnan kung paano palakasin at panatilihin ang long-term growth trajectory sa pataas na daan.

Sa tema ngayong taon na, “Preparing Philippine Manufacturing for the Future of Production,” titingnan ng Summit ang mga nagawa ng manufacturing industry, i-highlight ang mga pagbabago sa domestic economy at global market; talakayin ang kinabukasan ng manufacturing at agribusiness sa ilalim ng Industry 4.0; at konsiderahin ang panghinaharap na kasanayan at human resource development para sa darating na produksiyon.

Ang Manufacturing Summit ay gaga­napin bilang bahagi ng implementasyon ng government’s Inclusive Innovation Industrial Strategy (i3S). Ang Summit proceedings ay naka-live-stream via official DTI Facebook page https://www.facebook.com/DTI.Philippines. Ang detalye ng programa ay makikita sa  https://mfgsummit2019.weebly.com/program.html. Para sa iba pang katanungan, mag-email sa [email protected].

Comments are closed.