DADALHIN NG Department of Trade and Industry (DTI) ang kauna-unahang e-commerce platform ng gobyerno na magho-host ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs), para sa online selling sa Negosyo Centers sa buong bansa.
Makikipag-partner ang DTI sa Department of Science and Technology (DOST) para itaguyod ang oneSTore.ph sa MSMEs para nila makuha o mapasok sa online market.
“MSMEs are the backbone of the Philippine economy. And as part of President Rodrigo Duterte’s whole-of-government approach to assist MSMEs, we are teaming up with DOST to impact the lives of more Filipino entrepreneurs,” sabi ni DTI Secretary Ramon Lopez.
Sa mahigit na 800 Negosyo Centers sa buong bansa, ang DTI ay may malakas na ugnayan sa MSMEs sa buong bansa. Ang oneSTore.ph ng DOST ay isang business-to-customer and business-to-business online platform na tumutulong sa mga MSME na tinutulungan ng DOST na mapalawak ang kanilang merkado.
Ang oneSTore.ph ay parang isang tipikal na e-commerce company, kaya lamang, ito ay pag-aari ng gobyerno at nagho-host ng MSMEs na inaayudahan ng gobyerno. PNA
Comments are closed.