(DTI, manufacturers nagkasundo) WALA MUNANG TAAS-PRESYO SA BASIC GOODS

basic goods

SUMANG-AYON ang mga manufacturer ng basic necessities and prime commodities (BNPCs) na huwag munang magpatupad ng dagdag-presyo sa kanilang mga produkto, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). 

Sinabi ni DTI Undersecretary Kim Lokin na nakipagpulong si Trade Secretary Alfredo Pascual sa BNPC manufacturers upang talakayin ang hirit na taas-presyo ng huli.

“The meeting with manufacturers led by Sec. Pascual went well.

Representatives of manufacturers of basic necessities and prime commodities were willing to hold off a price increase for now. Sec. Pascual is very appreciative of their gesture,” aniya.

Naunang sinabi ng DTI na humihiling ang manufacturers ng BNPCs ng price increase sa harap ng tumataas na halaga ng raw materials.

Ayon sa opisyal, tiniyak ni Pascual sa mga manufacturer na ikokonsidera rin niya ang kanilang kalagayan, ang pangangailangan na magpatuloy ang kanilang negosyo at magbigay ng trabaho.

“DTI will hold another round of consultation/meetings, especially for those that have serious or urgent concerns.

This will be on a case-to-case basis,” sabi ni Lokin.

Gayunman, sinabi ni Lokin na mahirap sabihin kung kailan magtataas ng presyo dahil ang raw materials at ingredients ay sakop ng market forces.

“Secretary Pascual would have to consider all stakeholders, although of course in his mind, consumers’ needs are paramount,” dagdag pa niya.

(PNA)