DTI NAG-ABISO SA MGA BIBILI NG SCHOOL SUPPLIES

SCHOOL SUPPLIES

NAG-ABISO ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mamimili na agahan ang pagbili ng school supplies habang mababa pa ang mga presyo nito.

Gumawa ng inspeksiyon ang DTI nitong Biyernes at napansin nila na  nasa P12 hanggang P32 ang pre-syo ng 80 leaves na notebook, habang P6 hanggang P15 naman ang pad paper na pang-Grade 1 hang-gang Grade 4.

Pinakamura naman ang P12 para sa tatlong pirasong lapis, habang P5 hanggang P14 naman ang presyo ng isang ballpen.

Sinabi ng ahensiya na nakalagay sa kanilang website ang suggested retail price (SRP) ng school supplies.

Pinaalalahanan ng DTI na maaari ring lumapit  sa kanila ang mga mamimili kapag may nakitang pang-aabuso sa mga presyo.

Nauna nang mag-anunsiyo ang mga paper manufacturer na may pagtaas sa presyo ng mga pad paper at notebook bunsod ng pagmamahal ng raw materials at la­ngis.

Tinatayang katumbas ng P1.50 hanggang P2 ang nakikitang dagdag-presyo sa kada item ng papel.

Ngunit ayon sa DTI, kakausapin muna nila ang mga manufacturer.

 

3 thoughts on “DTI NAG-ABISO SA MGA BIBILI NG SCHOOL SUPPLIES”

  1. Water-resistant our wales in advance of when numerous planking. The particular wales surely are a selection of heavy duty snowboards that this height ones would be the same in principle as a new shell planking having said that with much more height to help you thrust outward in the evening planking. planking

Comments are closed.