DTI NAGBABALA SA MGA NAGBEBENTA NG PEKENG PRODUKTO ONLINE

Ruth Castelo

NAGBABALA ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga online seller na nagbebenta ng peke at mababang kalidad na mga produkto.

Ayon kay DTI Usec Ruth Castelo, pananagutin ang mga nagbebenta ng peke at mababang kalidad na mga produkto online.

Wala aniya pinagkaiba ang physical at online stores na kapwa saklaw ng Consumer Act.

Maaaring magsumbong ang mga mabibiktima ng pekeng produkto sa DTI Consumer Care Hotline 1-3-8-4 o magpadala ng email sa [email protected]

Payo naman ng mga eksperto, dapat mag-ingat sa pagbibigay ng bank information online lalo na at sensitibo ang mga ganitong operasyon.

Dapat ding mapanuri ang mga konsyumer sa mga binibiling produkto.

Comments are closed.