“HUWAG maniwala o magpaloko sa mga fake news o mga text scams na nagsasabi na nanalo kayo sa isang contest or raffle, na inendorso ni Senator Bong Go o kahit sinong opisyales ng pamahalaan. Ang mga gawain na ito ay labag sa batas at hindi kailanman inien-dorso ng kahit sinong opisyales sa gobyerno,” ito ang pahayag ng Department of Trade and Industry kahapon.
Ayon sa DTI, para makasiguro kung ang isang sales promotion ay totoo at legal, isangguni ito sa DTI email [email protected] o tawagan ang DTI hotline 1-DTI (384).
Babala rin sa publiko at sa mga kagawaran ng gobyerno na hindi dapat paniwalaan ang sino mang magsasabi na ang kanilang proyekto or applikasyon ay iniendorso ni Presidente Duterte o Senador Go o kahit sinong opisyal ng gabinete ng pamahalaan.
Para matigil na ang mga ganitong text scams, mungkahi ni DTI Secretary Ramon Lopez na panahon na para magkaroon ng polisiya sa pagrehistro ng prepaid SIM cards upang makilala kung sino ang gumagamit nito.
Comments are closed.