DTI NAGBUKAS NG UNANG KAPETIRYA SA BAGUIO

KAPEtirya

NAGBUKAS ng unang tindahan ng KAPEtirya ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Crafts and Productivity Center sa Baguio City kamakailan lamang.

Kumukuha ang KAPEtirya ng kanilang butil ng direkta sa mga magsasaka para matulungan sila na makaahon sa kahirapan at magkaroon ng kabuhayan sa kape.

Sa isang pakikipagkasundo sa local government ng Baguio City at DTI, ang unang tindahan ay patatakbuhin ni Ervine Pangwi, ang may-ari ng Il Padrino Coffee. Ang tindahan ang maghahandog ng Arabica coffee mula sa Benguet at Robusta coffee mula sa Kalinga. Pero ang mga susunod na tindahan ay magkakaroon din ng mga butil ng kape mula sa ibang rehiyon ng bansa.

Nagsimula ang KAPEtirya bilang Coffee Pavillion anim na taon na ang nakararaan, bilang atraksiyon sa local trade fairs. Naniniwala si DTI Sec. Lopez na ang paglalagay sa mainstream ng Philippine SME products ay makapagbubukas ng potensiyal sa merkado. Binigyan ng DTI rebranding na KAPEtirya, at ginawa itong sustainable business model na magiging  ipang-prangkisa sa lahat ng mga Pinoy na negos­yante upang palawakain ang presensiya nito sa buong bansa.

“This will expand, as well, the demand for Philippine coffee that will benefit our local coffee farmers, in addition to offering business opportunities for entrepreneurs,” sabi ng DTI.

Inirehistro ng DTI ang KAPEtirya sa Intellectual Property of the Philippines noong  2018. Mula sa tatlong araw na bazaar, gusto ngayon ng ahensiya sa mga permenenteng tindahan na ialok ang prangkisa ng KAPEtirya. Bukod sa online stores, plano rin ng DTI na mag-alok ng kiosks at mobile stores bilang  franchise models.

“Our main objective is to help small businesses and coffee farmers. That is also the vision of our President Duterte. He really has a soft heart for the poor and wants them all to live more comfortable lives. KAPEtirya is just one of our initiatives to help achieve that goal,” pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Ibinahagi rin niya na ang Filipinas ay nangu­ngunang importer ng kape at karamihan nito ay ang mga instant coffee. Ito, ayon sa kanya ay nangangahulugan na ang bansa ay kailangang damihan ang produksiyon ng kape para matugunan ang demand para sa kape. Sinabi rin ng hepe ng DTI na bagamat ang mga coffee shop ay may maliit ng merkado, ito ay nadaragdagan dahil sa lumala­gong middle class.

“There are several good coffee beans and brands in the country, we just need to promote them so they can be known in the country and the world,” sabi ni Sec. Lopez.

Ayon kay National Industry Cluster (NIC) Coordinator and DTI Assistant Secretary Blesila Lantayona na ang KAPEtirya ay isa lamang sa mga proyekto sa ilalim ng Coffee Industry Roadmap na pinirmahan noong Marso  2017 sa presensiya ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Naroon sa okasyon ng paglulunsad sina NIC Coordinator for Coffee and DTI-CAR Regional Director Myrna Pablo, Baguio City Mayor Mauricio Domogan, at Councilor Michael Lawana. Naroon din sina DTI mentors Dean Pax Lapid, Jorge Wieneke, at Jenny Wieneke na nagbigay ng libreng technical assistance para sa pag-unlad ng konsepto ng KAPEtirya franchise.            DTI

Comments are closed.