DTI NAGHANAP NG POTENSIYAL NA MERKADO SA ILOILO

ILOILO-2

NAGSAGAWA ng dalawang araw na pagbisita ang Foreign Trade Service Corps (FTSC) ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Iloilo City para tantiyahin ang pagbabago rito at tingnan kung saang lugar sila puwedeng magpaabot ng kanilang tulong.

“We visited Iloilo to basically know more about the developments in the area so we can assist them promote the province and the city for investments and maybe possible trade with other countries,” sabi ni FTSC Supervising Undersecretary Rowel Barba sa isang panayam.

Sinamahan ang team ng FTSC Executive Director Emmanuel Ang at Trade Services Officers na unang binisita ang city government at nakipagkita sa mga grupo ng negosyante sa kabayanan sa Casa Real nang sumunod na araw.

Sinabi ni Barba na nakikita nila ang potensiyal sa real estate business dito sa lugar na ito ng bansa.

“Prices of real estate have increased tremendously and there is not enough office space for BPO (business process outsourcing). But we hope the developers will be able to come up with additional office space the soonest possible time so more companies can come. That’s for the services sector,” sabi niya.

Samantala, sinabi niya na “a lot more improvement is needed, especially in terms of production” sa manufacturing sector. Umaasa siya na maraming produkto ang puwedeng maiprodyus ng lugar sa lugar na ito na puwedeng pang-export.

“We hope to work with the private sector and other government agencies so we can identify a possible winner from the region,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Ritchel Gavan, head ng Iloilo City Local Economic Investment Promotions Office sa isang panayam na ang FTSC ay may pangako na tulungan ang merkado ng highly-urbanized city sa ibang bansa.

“They checked how they can extend help to Iloilo. They promised to involve Iloilo in their investment promotions abroad,” sabi niya.

Sinabi pa ni Gavan na wala namang partikular na investment area na napag-usapan pero ginawa itong bukas para sa mga oportunidad na darating dahil magkakaroon sila ng mga opisina sa buong mundo.

Pero pagdating sa Information Technology-Business Process Outsourcing (IT-BPO), gusto ng city government na ang call center companies ay magtayo rito ng kanilang main offices at hindi lamang sangay, dagdag pa niya.

Gusto rin nila na ang Iloilo Startup Founders Circle ay mai-link sa potential clients.

Samantala, magkakaroon sila ng unang kolaborasyon na Guanzhou “Maritime Silk Road” expo na nakatakda ngayong darating na April 18-21 sa China. Magpapadala ang Iloilo City ng delegasyon ng designers, producers at local businessmen.

“The role of the FTSC is to conduct market matching; they will find suppliers for businessmen, and market for our supplier. That will be our first collaboration with the FTSC as an output of their visit yesterday,” pagkumpirma pa ni Gavan.

Dagdag pa ni Gavan na ang suporta ng FTSC ay importante para maabot ang mas mara­ming potensiyal na merkado sa ibang bansa.

“This time it’s not just the LGU (local government unit) and the local private sector that promote and reach out abroad to introduce our products. We have the support of the national government through DTI-FTSC,” dagdag pa niya.

Ang FTSC ay bahagi ng Trade and Investment Promotions Group ng DTI. Ito ay kinabibila­ngan ng trade representatives ng commercial posts ng DTI sa buong mundo.                     PNA

Comments are closed.