NAGLAAN ang Department of Trade and Industry (DTI) ng PHP350,000 para pondohan ang coffee processing project sa Silay City, Negros Occidental sa ilalim ng shared service facility (SSF) initiative ng ahensiya.
Ang halaga ay bahagi ng DTI na halos PHP6.2 million laan sa ilalim ng kanilang regular fund para sa iba’t ibang SSFs sa Western Visayas.
Sinabi ni Lea Gonzales, provincial director ng DTI-Negros Occidental kamakailan, na layon ng Silay project na matulungan ang mga magsasaka ng kape sa Barangay Patag na mabago ang kalidad ng kanilang tanim para sila ay makapagbenta sa mas maayos na presyo sa merkado.
Sa pamamagitan ng SSF project, ang ahensiya ay makatutulong sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa pagbibigay sa kanila ng makina at kagamitan para mabago ang kalidad ng kanilang produkto, ang makadagdag ng maipoprodyus nito na magreresulta sa mas maraming kita.
Sinabi ni Gonzales ang mga negosyo na hindi kayang bumili ng kasangkapan at iginugrupo para makasali at makakuha ng tulong gamit ang SSF.
Samantala, tatlong unibersidad at state universities sa Negro Occidental ang tumatanggap ng hiwalay na SSF fund allocation para sa lahat ng probinsiya sa Western Visayas.
Kasama rito ang Technological University of the Philippines (TUP)-Visayas, Carlos Hilado Memorial State College (CHMSC), at Central Philippines State University (CPSU).
Ang mga proyekto ay pinopondohan sa ilalim ng alokasyon na kasama ang research at extension programs ng SUCs, school of living traditions to preserve the culture of indigenous people, ang mga pinangangasiwaan ng youth sector, at proyektong ipinanukala ng non-government organizations (NGOS) at (LGUs) local government units, at iba pa.
Makatatangap ang TUP-Visayas ng kagamitan para sa metal works habang ang CHMSC at CPSU ay bibigyan ng SSFs para sa food processing at engineered bamboo production, ayon sa pagkakasunod.
Sinabi ni Gonzales na ang mga proyektong ito ay nakatakdang ipatupad ngayong taon. (PNA)
Comments are closed.