NAGSAGAWA ang Department of Trade and Industry (DTI) ng matibay na hakbang para mapangalagaan ang local cement manufacturers sa gitna ng report na bumabaha na ang imported cement sa lokal na merkado nitong mga nakararaang buwan.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez kamakailan na ang kanyang ahensiya ay magpapatupad ng provisional safeguard duty ng PHP8.40 bawat bag ng imported cement matapos madiskubre sa kanilang ginawang imbestigasyon na may mga maliwanag na element ng mataas na pag-angkat ng semento na nakaaapekto sa local manufacturers.
“With the elements of surge and injury clearly established, DTI is mandated to impose a safeguard duty,” sabi ni Lopez.
“DTI is thus imposing a provisional safeguard duty of PHP8.40 per bag,” sabi pa niya, dagdag pa na ito ay katumbas ng 4 na porsiyento ng tipikal na PHP220 kada 40-kilogram cement bag.
Inaasahan ng departamento na ilalabas ang resulta ng kanilang findings at desisyon nitong nagdaang linggo pero, naantala hanggang noong nagdaang araw matapos na makipagmiting si Lopez sa grupo ng mga importer noong Martes.
Nauna nang inangkin ng mga importer na hindi naman sila nagdulot ng panganib sa local cement manufacturers, dahil ang share nila sa local supply ay nananatiling mababa.
Nakita sa datos ng Philippine Cement Importers Association’s (PCIA) base sa DTI-Bureau of Import Services na ang total na 28.56 million metriko tonelada ng demand noong 2017, nag-supply ang local manufacturers ng 25.58 million MT habang ang importers ay nag-supply ng natitirang 2.98 million MT.
Nang tanungin kung ang PHP8.40 tariff rate ng bawat bag ng semento ay parehas lang ang halaga sa dating target ng DTI bago siya nakipagkita sa mga importer, sumagot lang si Lopez ng “no comment”.
“In the case of cement manufacturing, imports of cement increased from only 3,558 metric tons in 2013 to more than 3 million metric tons in 2017; and the share of imports (from non-manufacturer or “pure” traders) increased from only 0.02 percent to 15 percent during the same period,” banggit ni Lopez.
“Equally important, the industry experienced a sharp decline in income (earnings before interest and taxes) of 49 percent in 2017,” dagdag niya.
Pero inangkin ng mga importer na ang cumulative profits ng nakalistang kompanya ng semento ng 2017 base sa kanilang pinag-tapusan sa Philippine Stock Exchange ay umabot sa PHP7.3 billion.
“Again, this is a provisional duty (effective for 200 days) in the form of cash bond on imported cement, while Tariff Commission undertakes and concludes its formal investigation,” pagwawakas ni Lopez. PNA
Comments are closed.