DTI NAGTATAGUYOD NG PINOY BRANDS SA IBANG BANSA

FILIPINO BRANDS

AKTIBONG itinataguyod ng Department of Trade and Industry (DTI) ang  Filipino brands sa ibang bansa bilang mga home-grown franchise na inaasahang makapapasok sa merkado sa labas ng Filipinas.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez, na nakikipag-ugnayan sila sa mga local franchiser na nakatalaga sa ibang bansa katulad ng kanilang network.

“Whenever they go to other countries, our commercial attaches in those countries are their tie-ups. And we are helping promote the franchising opportunities they give both to the mainstream market there not only Filipino communities,” pahayag niya sa isang panayam sa pagbubukas ng Franchise Asia Philippines 2019.

Binigyang-diin ni Lopez na may overseas Filipino workers (OFWs) na gustong mag-invest sa Filipinas habang may mga ban-yaga na nagdadala ng local franchise brands sa kani-kanilang bansa.

Sinabi ni Philippine Franchise Association (PFA) president Richard Sanz, na 30 Filipino brands na ang nakapasok sa mga merkado sa labas ng bansa at 70 pa ang inaasahang susunod sa loob ng tatlong taon o sa 2022.

Karamihan ng 30 brands nito ay kinabibilangan ng food franchises.

“The priority is really ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Asia Pacific because of proximity. What we see is brands are gravitated into those markets with heavy Filipino workers –Middle East, North America, West Coast, these are the usual (markets). What we are trying to do is for these new homegrown brands to tap into the other non-traditional markets. Anyway, what we are targeting is mainstream (market), not Filipinos,” sabi niya sa isang hiwalay na panayam.

Napansin ni Sanz na ang Filipinas ang ika-pitong bansa na may mataas na bilang ng franchise brands, kasunod ng Korea, India, United States, Taiwan, Brazil at France.

Sinabi niya na mayroon nang 1,800 franchise brands sa bansa na may total output na USD25 billion.  PNA

Comments are closed.