DTI OPENS FAIR FOR FOOD ENTREPRENEURS

food entrepreneurs-Aerol John Patena

INILUNSAD kamakailan ng Department of Trade and Industry (DTI) – Bureau of Domestic Trade Promotion sa pakikipag-partner sa Department of Tourism ang National Food Fair (NFF) na naglalayon na ipakita ang magaga­ling na produktong pagkain ng bansa na ginanap sa SM Megatrade Hall sa SM Megamall, Mandaluyong City.

Tinawag na “Philippine Culture and Ingredients Show” na kasalukuyang ginaganap hanggang Marso 17, ay magsisilbing plat-form para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) para ipakita ang pinakamagagaling na Philippine food products. May-roon ding live cooking demonstrations mula sa magagaling na chefs at food tasting activities para itaguyod ang Filipinas bilang isang culinary destination.

“The fair intends to make their products visible to the general public. We have noticed that there were more guests that visited the booths for the opening day because they are excited to look into the new products being offered,” lahad ni DTI Sec. Ramon Lopez sa isang panayam.

May total na 233 MSMEs mula sa 16 na rehiyon na kabilang sa produksiyon  ng processed food and beverage, regional delica-cies, dietary supplements, fresh produce, herbs at cooking ingredients na kasali sa apat na araw na okasyon. Sumali rin sa  NFF ang farm tourism destinations at tour operators na accredited sa DOT sa kauna-unahang pagkakataon.

Ang pinaka-highlight ng okasyon ay ang food pavilions na nagpapakita ng wide variety ng halal food, spices at seasonings, fruit wines at mga produkto na galing sa cacao.

“Halal food is an under-tapped market for the Philippines but can bring so much potential. Halal food can generate an estimated USD 3.2 trillion in the world market. This has only been recently gaining awareness in the country,” ayon kay Lopez.

“Halal food products should not only be associated with religion. It is also a certification that the food is of good quality to con-sumers,” dagdag niya.

Kasama sa mga ibang handog ng NFF: Island Kitchens na live cooking demonstrations ng bago at binagong mga recipe gamit ang bamboo shoots, tubo, at  cacao bilang panghalo mula sa mga iginagalang na eksperto sa pagkain at pagluluto mula sa Luzon, Visayas at Mindanao; display ng makabagong packaging assistance mula sa Design Center of the Philippines para sa MSME manu-facturers ng specialty rice, banana chips, atchara at condiments; OTOP Philippines Hub na nagpapakita ng produkto ng DTI One Town, One Product Program at KAPEtirya/Coffee Pavilion na naglalayon na itaguyod ang kalidad ng coffee blends ng Filipinas at brand gayundin ng mga native delicacie at bakery products.

Siniguro ng DTI na magpapatuloy sila na magbigay ng mga seminar tungkol sa pagnenegosyo para sa MSMEs sa kanilang mga Negosyo Center sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Magpapatuloy drin ang Design Center of the Philippines, na isa ring attached agency ng DTI, sa pag-tulong sa mga negos­yante ng pagkain sa kanilang disenyo at packaging ng kanilang produkto.    PNA

Comments are closed.