DTI PATULOY NA BINABANTAYAN ANG PRESYO NG MGA PANGUNAHING BILIHIN

nina Claire Coballes at Jochelle Mae Duran

NAPAG-ALAMAN ng Department of Trade and Industry (DTI) na ibinebenta ng mas mababa kaysa saDTI LOGO nailat­halang suggested retail  prices (SRPs) ang mga pangunahing bilihin  (basic needs and prime commodities) na binabantayan  ng ahensiya. Ayon ito sa resulta ng pagbabantay na isinagawa sa iba’t ibang parte ng Metro Manila.

Pinangunahan ni DTI-Consumer Protection Group (CPG) Undersecretary Atty. Ruth B. Castelo ang pagbisita sa supermarkets at groceries bilang bahagi ng pagpapalakas sa pagbabantay ng mga presyo sa gitna ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusions (TRAIN) Law at pagtaas ng presyo ng gasolina.

Nilinaw ng DTI na ang excise tax ay may direktang epekto lamang sa distribution cost ng mga pangunahing bilihin na 5 % lamang ng kabuuang halaga. Ang excise tax na P2.50 sa bawat litro ng diesel ay katumbas ng 6% na pagtaas sapresyo ng diesel. Kung ipagpapalagay na walang paggalaw sa halaga ng raw materials sa paggawa ng mga produkto, ang presyo ng isang lata ng sardinas ay maaaring tumaas ng 0.30% lamang, at may karagdagang 12% Value Added Tax.

Ayon sa pagpapaliwanag ni CPG Undersecretary Castelo, “Anumang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin ay hindi lamang nauugnay sa pagpapataw ng excise tax dahil maaari rin itong maapektuhan ng mga pagbabago sa pandaigdigang merkado tulad ng mga presyo ng raw materials, krudo, at paghina ng piso kontra dolyar.”

Sa katunayan, ang mga SRP ng ilang  brands ng kandila ay tumaas dahil sa pagtaas ng presyo ng raw materials at paggalaw ng palitan ng piso laban sa dolyar. Ang mga bagong stocks lamang ng mga kandila ang ibebenta ng ayon sa bagong SRP habang ang lumang stocks  nito ay ibinebenta ng P10.00, mas mababa kumpara sa nailathalang mga SRP.

Ang pagpapatupad ng bagong SRP ng mga kandila ay masu­sing pinag-aralan ng DTI upang masiguro na reasonable  ang mga ito. Alinsunod na rin ito sa kahilingan ng mga manufacturer ng kandila.

Pinaaalalahanan ng DTI ang mga mamimili na maging mapagmatyag sa mga lantarang pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at higit sa mga mapanlinlang, ‘di makatarungan, at ‘di mapagkakatiwalaan na mga gawain ng mga nagbebenta nito.



Para sa anumang katanungan at reklamo na may kaugnayan sa karapatang pang-kons­yumer, makipag-ugnayan lamang sa DTI Direct 751.3330 o 0917.8343330. Maaari ring ipadala ang inyong mga reklamo sa ftebmediation@dti.gov.ph.

4 thoughts on “DTI PATULOY NA BINABANTAYAN ANG PRESYO NG MGA PANGUNAHING BILIHIN”

  1. 829606 9880This style is spectacular! You clearly know how to maintain a reader amused. Between your wit and your videos, I was almost moved to start my own blog (properly, almostHaHa!) Amazing job. I genuinely enjoyed what you had to say, and far more than that, how you presented it. Too cool! 380539

  2. When I originally commented I clicked the -Notify me when new comments are added- checkbox now every time a comment is added I am four emails using the same comment. Is there in any manner you may eliminate me from that service? Thanks!

  3. 761109 284840Most appropriate the human race messages function to show your and present exclusive chance with unique couple. Beginer appear system in advance of raucous folks will most likely always be aware most of the golden value off presentation, which is really a persons truck. very best man jokes 485819

  4. 460853 679186They call it the self-censor, simply because youre too self-conscious of your writing, too judgmental. 970602

Comments are closed.