DTI PINAG-AARALAN ANG PRODUKTONG HALAL SA KOTSE BILANG EXPORT ITEM

DTI EYES HALAL PRODUCTS IN CAR

SA paglawak ng merkado para sa pagkaing Halal at cosmetic products na bukas sa kapit-bansang Muslim at ibang Arabic nations kasama ang 10.7% ng Muslim Filipinos sa bansa, nagsagawa ang Department of Trade and Industry’s CAR Regional Office at Philippine Trade Training Center (PTTC) at  ang DTI Export Bureau (EMB) ng dalawang araw na Halal Training of Trainers noong Set­yembre  11-12, 2019 sa Baguio City.

Pinangunahan ni DTI-CAR Regional Director Myrna Pablo ang training at dinaluhan ng senior officials ng mga pangunahing ahensiya mula sa tourism, agriculture, health, trade and industry, science and technology sectors at sa academe na binigyan ng basic information at pang-unawa tungkol sa Halal bilang parte ng buhay at ang pangunahing kailangan para sa Halal food processing at manufacturing na kumokomporma sa ispisipikasyon ng Philippine Halal Assurance System at ang darating na Halal certification ng produkto at serbisyo. Gayundin, ang implementasyon ng RA 10817 o Philippine Halal Development and Promotion Act of 2016, ay ibinigay ng naturang  ahensiya.

Tinalakay ng PTTC Training Facilitator na si Jezel Sunga ang training courses at workshops sa lahat ng mga dumalo habang binalangkas ni PTTC Deputy Executive Director Nelly Nita Dillera ang kanilang training programs na nakalinya sa Ambisyon 2040 ng administrasyon na magbigay ng pantay na oportunidad para sa lahat. Ipinakita rin ni Dillera ang Philippine Export Development Plan at umaasa na makapag-export ng 122 hanggang 131 billion  US Dollars na kasama ang produktong Halal.

Ipinahayag ni Raison Arobinto, isang Shari’ah and Halal Section Head ng DTI-EMB, ang iba’t ibang batas ng Halal at mga gawain sa mga dumalo kasama ang food value chain. Bilang isang Sharia law practitioner, nagbigay si Arobinto ng pananaw sa Filipino Muslim culture, basic principles ng Islam at ang nature ng Shari’ah bilang klarong daan na dapat sundin ng mga Muslim base sa Qurán.

Binigyang-diin ni Arobinto kung alin ang pinapayagan na pagkain, pananamit at personal care, services, entertainment at finances sa mga Muslim. Ipinakita rin niya ang laki at lawak ng Halal markets na maihahain at ang Halal na puwedeng tangkilikin ng mga non-Muslim populace.

Higit pa rito, binigyang-pansin ni Arobinto na sa populasyon pa lamang ng  Filipino Muslim kasama ang ilang bilang ng mga turistang Muslim sa bansa ay isa ng malaking merkado para sa produktong Halal. Ipinaliwanag din ni Arobinto ang pro­seso at akreditasyon sa pagkuha ng Halal certification para sa mga interesadong MSMEs na makakuha ng Halal Certificate para sa kanilang produkto noong magkaroon ng interactive workshop sa mga opisyal mula sa  DTI-CAR, DOST, DOT, DA, DOH at SLU.

Sa Philippine Halal Export Development and Promotion Act of 2016 na kumikilala sa makasaysa­yang papel ng export sa national economic development, sinabi ni Arobinto na sa pakikipag-isa sa ibang concerned agencies ay gumagawa at nagtatagu­yod ng whole value chain ng Halal industries hindi lamang sa pagdagdag ng market opportunities kundi ang gumawa ng Halal exports na mas competitive sa pamamagitan ng product development, qua­lity assurance measures at value-adding mechanisms para gawin ang Filipinas na isang active player sa regional at international Halal markets.

Sa mga naunang Halal Trainers Training sa Cordillera, umaasa ang DTI-CAR at PTTC na makapag-develop ng isang grupo ng Halal trainers, at entrepreneurs para makapagsilbi sa mas maraming Muslim, magdagdag ng Muslim tourist arrivals at makapag-alok ng mas malusog na paraan ng pamumuhay para sa lahat.

Comments are closed.