PINANGASIWAAN ng Philippine Trade Training Center ang seminar sa “Strengthening the Philippine Halal Export” system na ginanap noong Oktubre 8-11 sa pamamagitan ng Philippine Congress Legislative Agenda sa House of Representatives sa Quezon City.
Tumutugon ang seminar, isang joint endeavor Department of Trade and Industry (DTI) at ng House of Representatives sa panawagan ni President Rodrigo Roa Duterte na itaas pa ang pagsisikap na maitaguyod ang Philippine Halal Industry sa kanilang malaking taya sa malaking pamumuhunan at pakikipagpalitan sa $3.2 trillion global halal market.
Naging kinatawan ang DTI Executives sa pangunguna ni Undersecretary Abdulgani Macatoman, legislators mula sa Muslim dominated areas ng Mindanao at mga ahensiya sa Philippine Halal Export Development and Promotion Board ang pagsali sa seminar na binigyang-diin ang pangangailangan sa marami pang lugar para makapagbigay ng oportunidad para sa pakikipagpalitan ng impormasyon sa iba’t ibang may kaugnayan dito.