INILUNSAD ng Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez kamakailan ang pinalawak na shared service facility ng Ateneo Shoe Academy (ASA), isang proyekto ng shared service facility (SSF) DTI-Davao City Field Office sa pakikipag-partner sa Ateneo de Davao University bilang pakikiisa para mapakinabangan ng out-of-school youth, persons with disabilities (PWDs), mga kabataan sa marginalized communities, ganundin ang ibang micro, small, and medium enterprses (MSMEs) sa siyudad.
Layunin ng akademya sa pangunguna ni Ateneo de Davao President Fr. Joel Tabora, na makapagbigay ng oportunidad sa mga kabataan, turuan sila na magkaroon ng gawaing makapagbibigay ng kita, at tulungan sila na maitaas ang kanilang buhay at ang komunidad kung saan sila kabilang.
“We believe in the vision of ASA, which is a brainchild project of Davao City Vice Mayor-elect Sebastian Z. Duterte, to help and empower the out-of-school youth and marginalized communities. We wish to bring back their dignity and give them hope that they can succeed too, together with our partners, the young entrepreneurs in fashion, shoes and apparel industry,” sabi ni Sec. Lopez.
Ang ASA na tinutulungan din ng Philippine Footwear Federation na nakabase sa Marikina. Si Alfie Teodoro, na na nasa lahi ng popular at magagaling na manggagawa ng sapatos na Ang Tibay, ay nagbigay rin ng technical assistance sa proyekto.
Ang ASA, kauna-unahan sa Mindanao, ay nasa Barangay Magtuod, Maa, at Davao City. Ang compound ng akademya ay may dalawang istruktura: isang workshop building kung saan isinasagawa ang mga lecture at ang shoe laboratory na siyang pagawaan ng mga sapatos.
Kasama rin dito ang pagkakaroon ng tirahan para sa mga estudyante, nagbibigay ang akademya ng 10 buwang kurso sa paggawa ng sapatos na kasama ang training sa core competencies ng pagdidisenyo ng sapatos at paggawa nito. Ang mga estudynate ay libre ang tuition, mga gamit at ibang materyales na gagamitin nila sa in-house trainings, ganundin ang board and lodging at iba pang mga gastusin habang nasa training.
“We want to assure our young and aspiring entrepreneurs, as well as our MSMEs that DTI will continue to support you in terms of technical tools or functional competencies, how to do business, and even financial assistance. We will provide a holistic approach to help you become part of the country’s footwear industry that is globally recognized,” pahayag ni Sec. Lopez sa mga benepisyaryo.
Ayon sa DTI, makatutulong ang proyekto para maitaas ang teknolohiya at mapahusay pa ang produkto ng sapatos pagdating sa kalidad at disenyo. Ito ay makasusuporta rin sa dagdag na produksiyon, mababang gastos at dagdag sa over-all product competitiveness.
Makapagde-develop din ang proyekto ng bagong negosyo sa paggawa ng sapatos at makabubuo ng bagong linya ng negosyo at sunod dito ay magkaroon ng oportunidad sa paglago para sa shoemakers sa Davao region habang sinasanay ang kanilang talento at kasanayan.
Ang mga specialized na makina na ibinigay sa ilalim ng SSF ay mahalaga sa serbisyo ng paggawa ng sapatos. Kasama rito ay ang sole pressing, rib laying at welt stitching.
Magsisilbi rin ang SSF sa ibang MSMEs sa kalapit na probinsiya. Ang MSMEs na nasa paggawa ng sapatos, sinturon, bags, wallets at kahit furniture ay puwedeng makagamit ng mga pasilidad sa mababang service fees.
Bukod pa rito, magbibigay ang ASA ng subsidized rates sa faculty members, students, at staff ng unibersidad na gustong magkaroon ng makabagong gawain na magreresulta sa mga produkto na mas makalaban sa merkado.
Tinalakay rin ni Sec. Lopez ang iba’t ibang negosyo at mga oportunidad sa trabaho sa youth sector sa Davao noong Youth Entrepreneurship Program (YEP) Mindanao Roadshow. Binanggit niya ang mga oportunidad sa artificial intelligence ay ang paggamit ng modernong teknolohiya, kung saan puwedeng madiskubre ng youth sector. Mas lalo pa niyang hinimok ang mga kabataan na maging mas makabago, magsimulang gumawa ng negosyo at sumakay sa kuwento ng paglago ng bansa.
Comments are closed.