DTI PINATIBAY ANG PROTEKSIYON LABAN SA PYRAMIDING

SEC LOPEZ-PYRAMIDING

SINIMULAN na ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pamamagitan ng kanilang Consumer Protection Group (CPG), ang pag-iikot at pagsasagawa ng public hearings para sa draft ng Department Administrative Order (DAO) tungkol sa revised rules and regulations na nagpapatupad ng Article 53 ng Consumer Act of the Philippines kaugnay sa prohibisyon ng chain distribution plans o pyramid sales schemes sa pagbebenta ng consumer products.

“Business-to-consumer engagement have been evolving drastically and the DTI is very keen on providing the most optimum level of consumer protection regardless of the scheme used by business. The draft ng DAO on pyramiding provides a stronger level of protection to consumers against unscrupulous practices in the market,” sabi ni Trade Secretary Ramon Lopez.

Ang isang pinakaimportanteng paglalakip sa draft DAO ay ang mandatory recognition process ng DTI sa kahit sinong tao, o entity na planong magtayo, magpatakbo, mag-advertise ng isang lehitimong direct-selling, multi-level marketing, o networking company. Ang pagkilalang ito ay kinakailangan bago magkaroon ng aktuwal na pagpapatakbo ng kompanya. Nakikita ito ng DTI bilang isang mekanismo para sa mga konsyumer para madaling matukoy ang lehitimong business marketing schemes.

Ipinaliwanag ni CPG Undersecretary Ruth Castelo, “The DTI recognizes the importance of updating the current rules and regulations governing direct selling, multi-level marketing, and networking activities for enhanced protection of the rights and welfare of the consumers. We have been working closely with relevant government agencies and private organizations to ensure that the new DAO is responsive to needs of current and future times.”

Dumalo sa NCR tranche ng public hearing ang mga kinatawan mula sa direct-selling, multi-level marketing, at networking companies, government agencies, consumer organizations, at iba pang relevant stakeholders.

Nakatakdang magsagawa ang DTI ng magkakasunod na public hearing sa Subic, Cebu, at Davao sa Oktubre 9, 15, at 17, ayon sa pagkakasunod para makapag-ipon ng maraming panukala at opinyon mula sa publiko bago magkaroon ng pinal sa pag-apruba ng DAO. Ang kopya ng draft Order ay puwedeng i-download mula sa DTI website, www.dti.gov.ph. Ang mga komento at position papers ay puwedeng isumite sa DTI-Consumer Protection and Advocacy Bureau (CPAB) hanggang Octubre 31, 2019 o sa email address, [email protected].

Isinagawa ang isang public hearing para masi­guro na ang mga hinaing ng publiko ay kakatawanin at masasalamin sa mga polisiya na babalangkasin at inisyu ng gobyerno.

Comments are closed.