DTI PINATINDI ANG PRICE MONITORING SA MGA LUGAR NA TINAMAAN NG LINDOL

DTI PRICE FREEZE

NAGBIGAY ng direktiba si Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na maging mahigpit sa pagmo-mo­nitor ng presyo ng mga bilihin sa mga lugar sa Luzon na tinamaan ng lindol noong Lunes na may 6.1 magnitude.

Sa isang panayam, sinabi ni  Lopez na binigyan na niya ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa National Capital Region (NCR) at ang regional offices hanggang 11 a.m. kahapon para magsumite ng kanilang report sa mga pinsala at pagkatigil ng mga gawain kay Undersecretary Zanaida Maglaya.

Pinamunuan ni Maglaya ang Regional Operations Group ng ahensiya na itinalaga na magmatyag sa field ope­ration ng DTI sa probinsiya.

“Let’s also ask price monitoring teams to report price situations in groceries and supermarkets and public markets,” ayon sa direktiba.

Sinuspinde kahapon ng umaga ng Malacañang ang trabaho sa lahat ng government offices sa National Capital Region para mabawasan ang bigat sa public transportation system.

Inatasan din ang mga gobernador ng quake-affected areas na tantiyahin ang mga pinsala sa kani-kanilang probinsiya at maglagay ng dapat gawin para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mamamayan. PNA

Comments are closed.