NAGA CITY, Cebu – NAG-ISYU ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Region 7 ng price freeze sa siyudad na ito ngayong araw.
Ito ay matapos na ilagay ang Naga City sa ilalim ng state of calamity dahil sa epekto ng landslide.
“Prices might go up because of the landslide,” sabi ni DTI 7 Director Aster Caberte.
Kasama sa mga produkto na may price freeze ay ang sardinas, processed milk, kape, sabong panlaba at ibang sabon, at ang bottled water.
Noong nakaraang Setyembre 21, ang naganap na landslide ang kumitil sa buhay ng higit na 60 katao sa Barangay,Tinaan. Hanggang ngayon, patuloy pa rin ang paghahanap at ang retrieval operations.
Isang team ang ipadadala sa Naga City, Cebu sa loob ng 60 araw. Ang sinuman na papalag sa price freeze ay pagmumultahin ng milyong piso o nahaharap sa pagkakulong na hindi hihigit sa 10 taon.
“We don’t want any bad intentions at this time,” dagdag ni Caberte.
Comments are closed.