NAGPAHAYAG ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng bagong estratehiya upang tugunan ang mataas na presyo ng bigas.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, isa aniya sa maaaring gawin ng DA ay bigyan na lamang ng permit para makapag-import ang mga trader na kayang magbenta ng bigas ng direkta sa mga mamamayan at hindi na dadaan pa sa middle man na nagpapatong din ng presyo.
Dahil dito ay posible na umano na makapagbenta mula sa mga inaangkat na bigas sa halagang P38 kada kilo.
Sinabi ni Lopez na parehong estratehiya rin ang plano nilang gawin sa asukal upang maibenta naman sa halagang P50 kada kilo.
Comments are closed.