DTI SA DILG: TULONG SA MONITORING NG MANOK

Manok

IDUDULOG ng Department of Trade and Industry (DTI) upang humiling ng tulong sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa pagmamatyag ng pagtaas ng presyo ng karne ng manok sa pamilihan.

Ipinarating ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, isa ito sa natalakay nila sa national price coordinating council meeting.

Nabatid na magi­ging trabaho ng DILG na bantayan ang mga local government unit na posib­leng magtaas ng presyo ng mga karne ng manok.

Sa kasalukuyan, nasa P170-P180 kada kilo ang presyo ng manok kung saan posibleng tumaas ito dahil sa taas ng demand bunsod na rin ng banta ng African Swine Fever (ASF) sa mga karne ng baboy. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.