INIMBITAHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang high-tech Dutch companies na mag-invest sa Pilipinas dahil ang bansa ay may highly skilled talents.
Sa isang statement, sinabi ng DTI na nakipagpulong si Secretary Alfredo Pascual sa high-tech firms na naka-base sa Netherlands noong nakaraang June 30. Nakibahagi ang mga executive mula sa semiconductors, automotive at integrated circuit (IC) design industries sa roundtable meeting sa trade chief.
“You may ask: Why invest in the Philippines? It is because the Philippines boasts itself in our vast number of engineers and robust workforce, having a nearly competitive integrated circuit (IC) design engineers and experience in FinFET technology,” anang kalihim.
Ang FinFET o field-effect transistor ay isang uri ng teknolohiya na gumagamit ng manipis na vertical fin at ginagamit sa computers, laptops, tablets, smartphones, wearables, high-end networks, at automotive.
Sinabi ni Pascual sa Dutch businesses na ang semiconductors at iba pang high-tech sectors ang top priorities ng bansa sa pagtulong para maipagpatuloy ang paglago ng ekonomiya.
“One of the critical reasons why semiconductor investments are gaining traction is the rapid pace of innovation and the increasing complexity of semiconductor technology,” ani Pascual.
“We are moving toward a more interconnected and data-driven world this is why, the demand for high-performance and energy-efficient semiconductors continue to rise.”
Dala ang tatak na “Make It Happen in the Philippines”, hinimok ni Pascual ang Dutch firms na ilagak ang susunod nilang mga investment sa bansa sa harap ng mabilis na paglago ng ekonomiya nito na 7.6 percent noong 2022, na nalampasan ang China at Vietnam.
Aniya, ang mga ipinatupad na reporma tulad ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) law ay nag-aalok ng mas kaakit-akit at rationalized incentives sa mga investor, ang mga pag-amyenda sa Foreign Investment Act, Public Service Act, at Retail Trade Liberalization Act ay nagpaluwag din sa mga limitasyon sa foreign ownership sa ilang mga negosyo sa Pilipinas.
“The Netherlands and the Philippines share mutual interests in the semiconductor and high-tech sectors as we both recognize the importance of these industries in driving innovation, job creation, and ultimately, economic growth,” dagdag ni Pascual.
-PNA