DTI SEC PASCUAL NAGBITIW

INIANUNSIYO ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual.

Magiging epektibo sa Agosto 2, 2024 ang resignation ni Pascual.

Nabatid na nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Secretary Pascual sa Malacañang Palace na dito’y personal na tinanggap ng presidente ang pagbibitiw ng kalihim.

Kinilala ng Pangulo ang napakahalagang serbisyo ni Pascual sa paggabay sa pagpapanumbalik at transpormasyon ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, ang pagtutok ni Pacual sa MSMEs o maliliit na negosyo ay tama at nagsisimula na aniyang maramdaman ang bunga nito kaya’t nalulungkot siya sa pagbibitiw ng kalihim.

Nabatid na babalik si Pascual sa pribadong sektor.

PMET