ITINAMPOK ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) ang tinatawag na ‘best of the seas’ sa ginawang pagsalubong sa mga mamimili sa 12th International Food Exhibition Philippines (IFEX) 2018 na nagsimula noong Mayo 25 hanggang ngayong Mayo 27 2018 sa World Trade Center at Philippine Trade Training Center sa Pasay City.
“Marking its return as an annual event, IFEX Philippines 2018 will highlight the country’s finest seafood to fulfill the growing global demand for marine product and coastal cuisines,” pahayag ni DTI Trade and Investment Promotion Group Undersecretary and CITEM Officer-in-Charge Nora K. Terrado.
Sinalihan ng mahigit sa 450 micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs) kasama ang nasa coastal communities mula sa Northern Luzon at Mindanao, ang trade show ay kinabibilangan ng apat na major exhibition halls– Food Philippines Hall, International Hall, Food Artisans Hall, at ang Marketplace.
“This is also our way of supporting the promotion of agribusiness sector in the country that provides employment opportunities especially in the regions,” dagdag ni Terrado.
Ilan sa mga bayan na kasali sa trade show ay ang General Santos City, na tinatawag na Tuna Capital of the Philippines. Nagpakita naman ang mga lokal na kompanya ng kanilang world-class tuna varieties, kasama ang skipjack, yellowfin, bluefin, at bigeye tuna, sa iba’t ibang pagpapakete sa naturang tatlong araw ng expo.
“General Santos City is home to one of the world’s best-tasting tuna catches available to the international and local market and we wanted to high-light this as we position the Philippines as a go-to sourcing destination for high-quality tuna and tuna-like species,” lahad ni Terrado.
Hanggang 2016, ang industriya ng tuna ay nakapag-generate ng 65 porsiyento ng pangkalahatang huli ng tuna sa bansa at nakapagbigay ng trabaho sa 200,000 tao.
Ayon sa Southeast Asian Fisheries Development Center (SEAFDEC), ang Pilipinas ay nasa top three tuna producer sa buong mundo pagdating sa dami. Ang 80 porsiyento ng Philippines seafood ay ipinaaangkat sa Amerika at European Union, na may tinatayang US $120 million kita sa export bawat taon.
“The Philippines is also currently ranked as the second largest manufacturer of canned and processed tuna in Asia, after Thailand, with a majority of this catch landed in the port of General Santos City,” dagdag pa ni Terrado.
Ipinakita rin ng datos ng SEAFDEC na ang tuna ay ang pinakanangungunang pang-angkat ng bansa na nagkakahalaga ng PHP19.6 billion noong 2014, na gumagawa ng 35 porsiyento ng total fishery export ng bansa.
Ang IFEX Philippines 2018 ang pinakamalaking international trade exhibition ng bansa at Asia’s ethnic and specialty food, tropical fruits, gulay, seafood, inumin, bakery at confectionery products, meat and poultry, Halal-certified products, gayundin ang mga organic, at produktong pangkalusugan.
Para mai-streamline ang mga pagpapa-angkat, binuksan ng DTI-CITEM ang kanilang ‘IFEX Connect’ program, isang customized platform para integrated business-to-business (B2B) matching services para makatulong sa mga mamimili na masuri ang potensiyal na negosyo sa mga exhibitors, sa pakikipagkolaborasyon sa DTI Export Marketing Bureau (EMB).
“We expect a more upbeat exchange of trade deals, sealing of partnerships and knowledge transfer through our B2B activities and learning seminars,” sabi ni Terrado.
Sa kanilang nakaraang edisyon noong 2011 hanggang 2017, nakapag-welcome ang IFEX Philippines ng halos 6,600 international at local buyers sa buong mundo: 1,270 noong 2011, 1,259 ng 2013, 1,976 ng 2015 at 2,092 ng 2017—nagdagdag ng average na 14 porsiyento sa nakaraang apat na edisyon.
Mula noong 2009 hanggang 2017, ang top 10 na bansa na pinanggalingan ng mga mamimili ay nanggaling sa United States, Japan, Singapore, China, United Arab Emirates, South Korea, Malaysia, Australia, Taiwan at Canada, ayon sa pagkakasunod.
Ang ika-12th edisyon ng IFEX ay inorganisa ng DTI-CITEM sa pakikipagpartner sa Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at ng Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS).
Comments are closed.