DTI SUPORTADO ANG INDUSTRIYA NG KAPE SA AURORA

COFFEE-2

MULING nabuhay ang industriya ng kape sa probinsiya ng Aurora dahil sa ginawang pagpasok o pakikialam ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa pamamagitan ng programa ng DTI na shared service facility (SSF), nagsimulang magbago ang Samahang Magkakape sa Lalawigan ng Aurora (SMLA) at pagdating sa produksiyon at ang kalidad ng kanilang kape.

Sa isang panayam, sinabi ni SMLA president Arnold Paluyo na ang SSF na proyekto ng  DTI ang nagbukas ng daan para mu­ling mabuhay ang kanilang bumabagsak ng industriya.

Sinabi ni Paluyo na ang “rough years” ay nagdulot sa kanila ng halos kawalan ng pag-asa para sa kinabukasan ng coffee industry.

“But when the DTI offered the SSF project, we knew that it was our awaited chance,” sabi niya.

Galing sa halos wala na, sinabi ni Paluyo na dumating sila sa isang bagay na hindi nila inisip na magagawa nila.

Base sa resulta ng regular na monitoring ng DTI sa lahat ng SSF sa rehiyon ng  Agosto 1 nitong taon, ang SMLA ay isa sa pinaka-matagum­pay pagdating sa produksiyon ng kape sa Central Luzon.

Ang SMLA, na sakop ang 33 coffee farmers na karamihan ay mula sa Barangay Diarabasin, Dipacualo, ng probinsiyang ito, ay kilala sa kanilang trade name na “Dipaculao Blend”.

Nagpo-prodyus sila ng dalawa sa pinaka-popular na coffee varieties sa  mundo — Arabica at Robusta, at 90 percent ng kanilang prodyus ay Robusta.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni DTI-Aurora director Edna Dizon na nagtatrabaho sila ng SMLA para mapanatili ang paglago ng industriya ng kape.

“We saw the big potential of the coffee industry in Dipaculao. That is why, we are encouraging our local producers to expand their production and we are more than willing to provide them (with) some support towards sustainable development,” sabi ni Dizon.

Sinabi niya na ang DTI, sa pamamagitan ng SSF project, nakapagbigay sila ng mga gamit na kailangan para magproseso ng kape na nagkakahalaga ng PHP933,800.

Ito ay ang coffee de-huller machine, coffee bean dryer, coffee bean roaster, at grinding machine, ilan sa mga ito.

Bukod sa SSF, sinabi ni Dizon na ang DTI ay nagbibigay din ng ibang tulong tulad ng promoting and advertising ng kape ng  SMLA sa pamamagitan ng social media.

“Our agency continues on providing new ideas and opportunities regarding the industry as well,” sabi niya.

Samantala, sinabi ni Paluyo na masaya siya sa ideya ng pagbibigay sa bayan at sa buong probinsiya ng pinakamagaling na kape na na puwede silang magkaroon.

Sinabi niya, “We want to ensure that the town of Dipaculao, as well as the whole province of Aurora will taste the best coffee we ever produce.”   PNA

Comments are closed.