DTI: SUPPLY NG PANGUNAHING BILIHIN SAPAT SA LEAN MONTHS

DTI

SINIGURO ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Antique sa mga konsyumer na sapat ang mga pangunahing bilihin at pangangailangan kahit sa mahinang buwan.

Ayon kay Glen Fernando ng DTI Antique sa isang panayam na base sa monitoring na ginawa nila sa iba’t ibang establisimiyento sa probinsiya, may sapat na supply na pangbenta.

“We have not heard of any critical item,” sabi niya.

Dagdag pa niya na sa ilalim ng Expanded Suggested Retail Price (SRP) ng Hulyo 16, nag-monitor sila ng 52 dagdag na brands ng pangunahing pangangailangan at mga gamit.

“Examples of the additional brands being monitored now are the Atami Green and Family Bonus Pack Plain canned sardines in tomato sauce,” sabi niya.

Dagdag pa nito, na ang ibang mga gamit na mino-monitor ay ang processed milk tulad ng Alaska Sweetened Filled Milk at kape, tulad ng Great Taste Twin Pack, habang sa mga pangunahing pampalasa — suka at toyo sa refill pack.

Samantala, nagpaa­lala si Fernando sa mga retailer na sumunod o bumagay sa Expanded SRP dahil nagsasagawa ang DTI ng regular na buwanang monitoring at mag-iisyu ng Letter of Inquiry sa mga malalamang hindi sumusunod.

Sinabi niya na ang mga konsyumer ay dapat ding maging masigasig at siguruhin na bumibili sila ng mga gamit na nasa sakop ng SRP.

LGUs NG ANTIQUE INATASAN NA MAG-CALIBRATE NG MGA TIMBANGAN

INATASAN ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Antique ang mga lokal na gobyerno ng probinsiya na mag-calibrate ng  mga timbangan sa pampublikong pamilihan para sa kapakanan ng mga konsyumer.

Ayon kay Engr. Lynna Joy Cardinal ng DTI-Antique, mara­ming tauhan ng LGUs ang walang sapat na kaalaman tungkol sa Consumer Act of the Philippines na nagpapakita na may obligasyon sila sa pagka-calibrate ng mga timbangan.

“The only town which I know that is compliant and calibrates the weighing scales is San Jose de Buenavista,” pahayag ni Cardinal.

Ayon pa sa kanya, kailangang regular kada anim na buwan na naka-calibrate ang mga timbangan ng mga tindero’t tindera sa pamilihan.

Nasa bayan ng Culasi ang DTI sa ika-8 ng Agosto at sa Sibalom sa susunod na raw para makipagkita sa mga LGU at stakeholders para turuan sila na mag-calibrate at para rin malaman kung mayroon na silang local ordinance tungkol dito.

“We are also going to seal the calibrated weighing scales in the market,” dagdag pa ni Cardinal.

Payo rin ni Cardinal sa mga mamimili na la­ging dumaan para tingnan ang DTI-provided na mga timbangan o mga ‘’Timbangan ng Bayan’’ sa mga pampublikong palengke para makita kung tama ba ang timbang nito mula sa kanilang pinagbilihan.    LYKA NAVARROSA

 

Comments are closed.