DTI-SYDNEY ITINAGUYOD ANG AWARD-WINNING CHOCOLATES, CRAFT SPIRITS SA AUSTRALIA

MALAGOS-1

ITINAMPOK ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng Philippine Trade and Investment Centre (PTIC) sa Sydney ang  award-winning products mula sa Filipinas sa Independence Day celebrations sa Australia na ginanap kamakailan.

Natikman ng mga bisita ang Malagos Chocolates, ang award-winning Philippine cho­colates mula sa Davao. Ang kilalang tsokolate ay gawa mula tree-to-bar – isang proseso ng pagtatanim, pag-aalaga, pag-aani, pagbababad, pagpapatuyo, pagpili, pag-ihaw, ang pag-produce ng tsokolate ay ginagawa roon mismo sa company’s  farm —  na nagbibigay sa produkto nang mas kakaiba at mas lasang tsokolate.

Dahil sa kakaibang kalidad ng produkto, umani na ang Malagos Chocolates ng mga prestihiyosong pagkilala na naglagay sa Fil-ipinas, lalo na ang Davao sa chocolate map of the world.

Samantala, inihandog din ang Manille Liqueur de Calamansi at  Paradise Mango Rum sa selebras­yon sa  Sydney at sa Perth.

Ang Manille Liqueur de Calamansi ay isang vodka-based drink na gumagamit ng esensiya ng zesty calamansi o ang Philippine lime rind na kinuha pa sa mga magsasakang Mangyan sa probinsiya ng  Min­doro sa Fi­lipinas. Isa pang produkto, ang Paradise Mango Rum, ay isang natural na fruit-based liqueur gawa sa kinikilala sa mundo na Philippine mangoes at premium aged rum. Ang produkto ay umani ng maraming pagkilala at parangal sa ibang bansa at siyang testamento sa kapabilidad ng Filipinas na maka-produce ng global brands na kinilala at nagustuhan ng mga eksperto sa ibang bansa.

“We want Australians to know we have good, quality products in the Philippines that are recognized and appreciated interna-tionally. Our goal is to make these products available in supermarket shelves, boutique stores, duty free shops, hotels, bars and spe-cialty stores in Australia soon,” pahayag ni Philippines Special Trade Representative to Australia na si Alma Argayoso.

“Not only are the products good, but by supporting and patronizing these brands, Australians will also be able to support local farmers in the Philippines who adhere to ethical and sustainable farming and strict quality standards,” dagdag pa niya.

Comments are closed.