TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na ligtas ang mga ibebentang e-cigarettes at vaping devices sa merkado.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, ang joint guidelines na ilalabas nila ng Department of Health (DOH) ay ikukunsidera ang mga naiulat na nag-malfunction na device kung saan sumabog ito at ikinasugat ng mga gumagamit.
Sa ilalim ng administrative order ng DOH, inaatasan ang lahat ng gumagawa, nagbebenta at namamahagi ng electronic nicotine at non-nicotine delivery systems na kailangang kumuha ng license to operate mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Comments are closed.