MAGSASAGAWA ang Department of Trade and Industry (DTI) ng international trade forum para talakayin ang mga isyu ng international trade policy, kasama ang nangyayaring gitgitan sa pagitan ng world’s economic heavy weights. Ang forum ay bahagi ng DTI One Country, One Voice (OCOV) Stakeholder Consultation mechanism tungkol sa trade policy formulation.
Layon ng forum na magkaroon ng dayalogo kung paano ang Filipinas magkakaroon ng oportunidad sa nakikitang trade war at kung paano tutugunan ang mga hamon na nakapipigil sa mga industriya ng bansa para magkaroon ng buong pakinabang sa mga nabanggit na oportunidad.
Layon ng forum na talakayin kung paano pagbubutihin ang kanilang estratehiya sa international trade policy, leverage its participation in regional at global value chains, at gawing lubos na magamit ang trade policy tools sa kabila ng tumataas na global protectionism.
“Economic simulations of the trade war’s impact on the Philippine economy illustrate minimal negative effects on exports. While the Philippines is not as vulnerable as other economies, a prolonged trade war could eventually impact Philippine exports,” lahad ni DTI Secretary Ramon M. Lopez.
Ang United States at China ay major trading partners ng Filipinas. Ini-enjoy ng bansa ang preferential market access sa United States sa pamamagitan ng GSP scheme at mayroon ding FTA sa China sa ilalim ng ASEAN.
Dagdag pa ni Secretary Lopez na maliban sa kasalukuyang mekanismo, “enhanced engagement with other major trading partners as well as with non-traditional partners are also being pursued to help strengthen and diversify Philippine export markets”.
Ang forum na gaganapin sa Maynila ngayong Disyembre ay magtitipon ng international experts tungkol sa trade policy, business leaders, policy-makers, industry representatives, at government officials, at iba pa.
Binigyang-importansiya ni Undersecretary Ceferino Rodolfo na ang “One Country, One Voice consultations is an important pillar in our unified industry and trade strategy that helps ensure that our trade negotiating position remains rational, responsive to, and grounded on the needs of our stake-holders”.
Inilunsad noong 2011, siguro ng OCOV ang transparency at accountability habang ginagawa ng gobyerno ang proseso sa dayalogo, building mutual trust, and arriving at rational, sound and balanced trade policies in pursuit of national development.
Comments are closed.