BABABA sa mga maliliit na barangay sa Central Visayas ang Department of Trade and Industry para tulungan ang mga maliliit na negosyante sa low-class municipalities.
Ito ay kaagapay ng pangako ni President Rodrigo R. Duterte sa kanyang mga nakaraang State of the Nation Addresses (SONA) para maipatupad ang economic development.
Sinabi ni Asteria Caberte, DTI 7 (Central Visayas) director, kamakailan na dadalawin nila ang mga barangay sa fourth hanggang sixth class municipalities sa rehiyon para abutin ang mga lokal na negosyante at tulungan sila na magtayo ng kanilang modelong negosyo sa pamamagitan ng Negosyo Serbisyo sa Barangay (NSB).
Sinabi pa ni Caberte na ang marching order ng Presidente ay “nobody should be left behind.”
“We will go to the barangays and gather the people through the Barangay Development Council and identify barangay-level SMEs who may be qualified for assistance,” pahayag ni Caberte sa isang panayam na ginanap as DTI-7 conference sa probinsiya.
Ang programang NSB ay matagal nang nilikha para palitan ang sistemang “five-six” at para maiangat ang kahirapan sa tulong ng micro-financing small-time businesses sa pamamagitan ng mga seminar at training na maghuhubog sa kanila para maging competent entrepreneurs.
Itinulak ni Trade Secretary Ramon Lopez ang buong implementasyon ng NSB program sa Central Visayas, para lalong hubugin ang pagsisikap ng gobyerno na masimulan ang kalakal sa mga mahihirap na barangay sa bansa, sabi pa ni Caberte.
Sinabi pa ni Caberte na kinilala na ng DTI-7 ang 1,250 barangay sa Central Visayas sa ilalim ng programa na ipatutupad hanggang 2022.
“For this year, we targeted to cover 250 villages in Region 7,” sabi niya at dagdag pa na nakuha na ng DTI-7 ang 39 barangay sa Bohol at “practically all 98 villages in Siquijor.”
Sinabi ni Caberte na ang NSB program na sumasakop sa 58 barangay sa ika-apat hanggang ika-anim na bayan sa probinsiya ng Cebu ay ilulunsad sa southern resort na bayan ng Moalboal sa Agosto 1.
Sa Negros Oriental, bibisitahin ng DTI-7 ang 23 barangay para magpatupad ng programa at kanilang mga tauhan ay titingnan ang mga lugar ng mangangalakal sa barangay na puwedeng tulungan para mapabuti ang kanilang business models.
Makatutulong ang DTI sa mga small-scale trader na makakuha ng kanilang pangalan ng negosyo at iproseso ang kanilang business permits sa local government unit, at tulungan din sila na iparehistro ang kanilang produkto, product development, food safety, at material sourcing, sabi pa ni Caberte. PNA
Comments are closed.