DTI UMAASA NG P50-M KITA SA MIMAROPA AGRI-TRADE AND TOURISM FAIR

DTI

UMAASA ang Department of Trade and Industry (DTI) Mimaropa Region na makakukuha ng P50 million na benta sa kanilang fourth edition ng MIMAROPA Naturally Agri-Trade and Tourism Fair na nakatakda ngayong October 17-21, sa Megatrade Halls 1 at 2 SM Megamall sa Mandaluyong City.

Nakabandera ang mga lokal na produkto at tourism destinations mula sa probinsiya ng Occidental at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan, ang 2018 MIMAROPA na sasalihan ng mahigit na 130 micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa rehiyon, at magpapakita ng One Town, One Product (OTOP) Next Gen special setting.

Sinabi ni DTI-Mimaropa Regional Director Joel Valera na ang agri-trade at tourism fair ay makatutulong sa Mimaropa MSME na makaprodyus ng mataas na kalidad at makakapagkompetensiyang produkto at makapasok sa mainstream domestic and export markets, na magreresulta sa pagkakaroon ng trabaho at negosyo agenda ng admi­nistrasyon.

Bukod sa OTOP Next Gen special setting, inimbita rin ng ahensiya ang 129 institutional buyers mula sa Metro Manila para sa closed-door buyers’ hour para makatulong din sa MSMEs na mapalawak ang mararating ng kanilang mga produkto.

“We are proud to announce that the DTI-Mimaropa Region, in coordination with other concerned government agencies and local and provincial units in the region, will open another year of Mimaropa. Naturally to provide an avenue to Mimaropa MSMEs to better market their products to buyers in Metro Manila and establish constitutional buyers. Hopefully some of the MSMEs reach the export market,” sabi ni Valera.

“We hope that the OTOP Next Gen special setting and closed door buyers’ hour will lure more Filipinos to patronize our products,” dagdag niya.

Ang special setting ay maghahandog ng produkto ng MSME na sinuportahan ng ahensiya sa pamamagitan ng OTOP Next Gen program na magkaroon ng pagbabago pagdating sa kalidad,  product development, design, packaging, standards compliance, marketability, production capability, brand development, at iba pa.

Ipapakita ang produkto sa five-day agri-trade and tourism fair ang mga processed food, furniture at home furnishings, anumang susuotin tulad ng fashion accessories, bags at sapatos, at mga pangregalo at pangdekorasyon.

Sa kanilang 2017 edition ng MIMAROPA Naturally, ay nakalikom ng P47.9 million sa benta na sinalihan ng 131 MSMEs.

Ang 2018 MIMAROPA Naturally Agri-Trade and Tourism fair sa pakikipag-partner sa Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Tourism (DOT), at koordinasyon sa provincial at city governments ng Occidental at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.

Comments are closed.