NAGBABALA ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Zamboanga sa mga botika at medical equipment outlets laban sa pagtatago at pagbebenta ng overpriced face mask.
Sinabi ni DTI Provincial Director Ceferino Rubio kamakailan na sinumang malaman na nagtatago at nagbebenta ng face masks na mas mataas sa suggested retail prices (SRP) ay pagmumultahin sa paglabag sa consumer and price acts of the Philippines.
Sinabi ni Rubio na ang multa ay nasa PHP500 hanggang PHP300,000 depende sa violation o paglabag.
Nag-isyu si Rubio ng warning matapos ang biglaang shortage ng face mask mula sa kompirmasyon ng Department of Health (DOH) na nagpositibo na kaso ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa bansa.
Lumikha na sila ng tatlong team para mag-monitor ng supply at presyo ng face mask na ibinebenta rito, sabi niya.
Sinabi niya na ang presyo ng ordinary face mask ay nasa PHP5 hanggang PHP12 bawat piraso habang ang N95 mask ay nagkakahalaga ng PHP60 hanggang PHP100 bawat piraso.
Hinimok niya ang publiko na i-report sa DTI ang sinumang magbebenta ng face mask sa mataas na presyo.
“In the event regulate the selling of face mask and overpriced, the DTI will run after them,” sabi niya. PNA
Comments are closed.