NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Duterte na ang tiwala ng sambayanang Pilipino ang pinagmumulan ng kapangyarihan ng pinuno ng bansa.
Ito ang reaksiyon ng Malakanyang makaraang mapasama si Pangulong Duterte sa “List of the World’s Most Powerful People for 2018” ng Forbes magazine. Lumanding ang Pangulo sa ika-69 na pinakamakapangyarihang tao sa buong mundo.
Ayon sa Forbes magazine naluklok na pangulo ng bansa si Duterte noong 2016 kalakip ang pangakong mahigpit na kampanya laban sa mga drug dealer at iba pang uri ng mga kriminal.
“So far his war on crime has already resulted in the killing of thousands of people across the archipelago country. Duterte’s raw and vulgar vocabulary keeps him in the headlines: he called Obama ‘son of a whore’ and has used homophobic slurs to describe opponents,” ang sabi pa sa Forbes magazine.
Nanguna sa listahan ng pinakamakapangyarihang tao si Chinese President Xi Jinping na naungusan si Russian President Vla-dimir Putin na nanatiling nangunguna sa listahan sa nakaraang apat na taon.
Ang iba pang Southeast Asian leaders na nasa listahan ay sina Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong, na nasa ika-61 puwesto habang si Indonesian President Joko Widodo naman ay nasa ika-74 puwesto.
Si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang nasa ika-38 sa listahan.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maraming beses nang kinikilala ni Pangulong Duterte na ang tunay na pinagmumulan ng kapangyarihan ng gobyerno ay mula sa mamamayan.
“As Chief Executive for almost two years, he has faithfully served our people by promoting the interests of the Filipino people and the Filipino nation first” ani Roque
Ibinida rin ni Roque ang ilan lamang sa mga nagawa ng administrasyon tulad ng anti-drug war, pagka-karoon ng independent foreign policy, mga pro-poor policies ng administrasyon at iba pang programa na magpapagaan ng buhay ng mga Pilipino. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.