DUCK OUTPUT BUMAGSAK SA Q1

DUCK

BUMABA ang duck production ng bansa sa first quarter ng 2.67 percent sa 9,793 metric tons (MT), mula sa 9,779 MT noong 2017 dahil sa Avian Influenza (AI) outbreak sa Luzon noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“Contributing to this decline was the reduction in inventory of laying flocks in Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, ­Eastern Visayas and Caraga,” pahayag ng PSA.

Gayunman, sa kabila ng 6.30-percent decline sa produksiyon, ang Central Luzon ay nanati­ling top duck-producing province ng bansa sa 4,013 MT. Mas mababa ito ng 270 MT sa 4,283 MT volume na naprodyus ng rehiyon sa ­January-to-March period ng 2017.

Sumusunod sa Central Luzon ang SOCCSKSARGEN at Western Visayas na may 1,140 MT at 750 MT output, ayon sa pagkakasunod.

Ang produksiyon sa dalawang naturang rehiyon ay tumaas ng 2.52 percent at 3.6 percent, ayon sa pagkakasunod.

“These regions contributed about 62 percent to the country’s total duck production,” sabi pa ng PSA.

Samantala, hanggang noong Abril 1 ay tumaas ang duck inventory ng bansa ng 3.49 percent sa 11.22 million heads, mula sa 10.841 million heads na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.

Ang Central Luzon ang may pinakamaraming bibe sa 3.456 million heads, na bumubuo sa 30.8 percent ng total inventory sa reference period.

“Inventories in both backyard and commercial farms went up by 3.54 percent and 3.38 percent, respectively,” ayon sa PSA. “Of the total duck popu-lation, about 69 percent were raised in backyard farms.”

Batay pa sa datos ng PSA, ang duck population na hawak ng backyard farmers ay tumaas ng 11.83 percent sa 7.731 million heads mula sa 6.913 million heads.

Ang nalalabing duck inventory sa reference period ay nasa commercial raisers na umabot sa 3.488 million heads. Ang numero ay mas mataas ng 3.93 percent sa 3.356 million ducks na hawak ng commercial raisers noong nakaraang taon.

Dahil naman sa bumabang produksiyon, ang average farm-gate price ng bibe sa unang tatlong buwan ng taon ay tumaas ng halos 4 percent sa P51.77 per kilogram mula sa P49.79 per kilogram level na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2017. JASPER ARCALAS

 

Comments are closed.