PINANINIWALAANG malaking hamon umano ngayon sa gobyerno na panindigan at patunayan ang pagkakabilang ng ilang politiko sa narco-list na isinapubliko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pinapurihan ni Commission on Human Rights (CHR) spokesperson Atty. Jacqueline de Guia ang pagkilala ng gobyerno sa due process dahil sa kaakibat na kasong isinampa laban sa mga opisyal.
Nagbibigay rin umano ito ng kasiguraduhan sa publiko na mananagot sa batas ang mga akusado sakaling madiin sa reklamo.
Nauna ng sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na nasampahan na nila ng administrative complaints sa Office of the Ombudsman ang 46 na politikong binanggit ng pangulo.
Habang kasong kriminal naman ang isasampa sa natitirang higit 20 opisyal na kabilang sa higit 80 personalidad na nasa listahan ng PDEA. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.