DUGO IHAHATID  GAMIT ANG DRONE

Drone

INILUNSAD  kahapon ang drone blood delivery system sa Filipinas.

Pinangunahan ni U2 frontman Bono  ang p­aglulungsad ng drone blood delivery system na sinaksihan nina dating U. S. Ambassador  Sung Kim,  Philippine Red Cross Chairman Senador Richard Gordon, Zipline CEO  Keller Rinaudo.

Sa pamamagitan nito ay maaari nang maghatid  ng dugo at iba pang medical products sa mga health facility sa bansa gamit ang drone.

Si Bono  ay  isa  sa board member ng Zipline, ang kompanyang manga­ngasiwa sa serbisyo sa pakikipagtulungan  ng PRC.

“This Red Cross chapter is the bravest and has the hardest time of any chapter. We are particularly inspired by the way the team already uses technology. The Philippines is an amazing country with amazing challenges when it comes to disaster response,” pahayag ni  Zipline CEO Keller Rinaudo.

“Your access to healthcare should not depend on the GPS coordinates of where you live,” dagdag pa ni Rinaudo.

Inaasahang masisimulan na ito sa 2020. GINA MAPE

Comments are closed.