SA partnership ng mga tauhan ng Manila City Hall at ng Manila City Hall (MCH) Masons ay nakalikom sila ng mga dugo para sa mga pasyente ng Ospital ng Maynila gayundin sa kanilang kapatiran at maging sa lahat ng nangangailangan.
Ang paglikom ay sa ilalim ng kanilang proyekto na Blood Donation Project na kauna-unahang ginawa ngayong taon sa Universidad de Manila.
“Masusundan pa po ang ganitong mga gawain at ang donor namin ay mga pasyente ng Ospital ng Manila,” ayon kay Bro. Gil Mendoza ng Office of the Manila City Prosecutor at ng Zapote Lodge 29.
Sinabi naman ni Bro. Joem Moralde ng Manila City Hall Legal Office, miyembro ng Manila City Hall Masons na ang aktibidad ay kauna-unahang blood donation project ng kanilang samahan at unang pagkakataon din na nagkaroon ng memorandum of agreement ang Dugong Mason ng Most Worshipful Grand Lodge of Free & Accepted Masons of the Philippines at ang Manila City Hall para sa bloodletting project na layuning matulungan ang 70 percent ng mga pasyente ng Ospital ng Maynila habang 30 percent sa kanilang brethren o kapatiran.
“Ang kagandahan ng blood project na ito ay ito po ang first time agreement ng Dugong Mason at Grand Lodge of the Philippines sa Manila City, 70 percent goes to the the patient of Ospital ng Maynila and 30 percent goes to our brethren, not onlty sa brethren kundi sa mga relatives, kaibigan at sa mga nangangailangan ng dugo,”ayon kay Bro. Joem.
Nagsimula ang blood letting alas-7 ng umaga at natapos alas-5 ng hapon habang marami ang sumuporta sa naturang proyekto gaya ng Manila City Triskillion, Alpha Omega, ayon naman kay Bro. Mike Puertollano ng Wenceslao Trinidad Lodge 365.
Tiniyak din ni Moralde na ang Blood Donation Project ay may koordinasyon kay Manila City Mayor Isko Moreno gayundin sa Manila Police.
Idinagdag naman ni Bro. Gil Mendoza, na bukas sila kung nais ng mga sundalo na tumulong sa kanilang adbokasya ng pagtulong.
Dagdag pa ni Bro. Mike na tuloy-tuloy ang gagawin ang bloodletting habang tiniyak din ni Bro. Al Alonzo ng ng Macario Ramos Lodge 355, na walang pinipili ang kanilang organisasyon para tulungan.
Bukod sa mga nabanggit na pangalan, kabilang din sa mga nakapanayam ng Pilipino MIRROR ay sina Bro. Vince Isip at Bro. Ediboy Isip, pawang ng Sinukuan Lodge 16; Bro. Johnny Ang ng Unang Sigaw Lodge 430; Bro. Adam Quiambao ng Luzon Lodge 57 at Bro. Edd Laiz ng Sinukuan Lodge 16. EUNICE C.
436518 563225I just now discovered your weblog post and now Im remember to start with followers. 907694