“TUG OF WAR” ang pinaka-popular at hinihintay sa ‘Dula sa Kadayawan’ na siyang laro ng mga katutubo na ginanap sa People’s Park sa Davao City kahapon ng umaga.
Dinagsa ng libo-libong turista at lokal na residente ang nasabing “Dula Kadayawan” na bahagi ng festival kung saan 11 tribo ang kalahok sa game competition.
Aktibong dinaluhan ng ilang lokal na opisyal ng pamahalaang lungsod ng Davao na siyang naging panauhing pandangal at nagbukas ng palaro.
Bantay-sarado naman ang pulisya partikular na ang ilang personnel ng PDEA at iba pang law enforcement agency para matiyak ang kaligtasan ng mga dumalong bisita.
Sa main gate pa lang ng nasabing park ay mahigpit na ang seguridad kung saan ay hinihingan ng identification ang bawat pumapasok at pinabubuksan ang mga bitbit na bag. Kuha ni MHAR BASCO