DULONG LUZON, VIZMIN BABALYAHIN NI HABAGAT

ANG  Habagat pa rin ang sanhi ng kalat-kalat na pag-ulan ngayong araw sa Batanes at Babuyan Islands habang magiging maulap din ang papawirin na may kasamang bugsong pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA),ang mga pulo-pulong pag-ulan ay dahil sa trough ng low pressure area.

Binalaan naman ng PAGASA ang mga nakatira sa talampas, dalampasigan at mababang lugar dahil possible ang pagguho at biglaang pagbaha dahil maitatala ang malakas na pag-ulan.

Maging ang Metro Manila ay daranas ng bugsong pag-ulan dahil pa rin sa Habagat at localized thunderstorms.

Samantala, asahan naman ang banayad at malakas na alon sa karagatang sakop ng Luzon at Visayas, habang magiging banayad ang alon sa katubigang sakop ng Mindanao.

5 thoughts on “DULONG LUZON, VIZMIN BABALYAHIN NI HABAGAT”

  1. 99765 672393I like the valuable info you supply in your articles. Ill bookmark your weblog and check once again here regularly. Im quite certain Ill learn plenty of new stuff right here! Very best of luck for the next! 734211

Comments are closed.