DAVAO ORIENTAL – NAPANATILI ni Tropical Depression Querubin ang lakas nito sa katubigan sa silangan ng Mindanao sa pag-iral ng Signal No. 1 sa lalawigang ito.
Sa ulat ng PAGASA na ipinalabas dakong alas- 5 ng umaga, nagbabala ang State Weather Bureau (SWB) na ang interaksyon ni Querubin at ng shear line ay maaaring magdulot ng malakas na pag-ulan sa Visayas at Mindanao.
Kumikilos si Querubin sa direksyong north northwestward sa bilis na 10 kilometers per hour na may maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa sentro at gustiness hanggang 55 km/h.
Nakikitang kumikilos si Querubin sa direksyong north northeastward o northward sa katubigan sa silangan ng Mindanao sa susunod na 24 oras. Sa parehong period, hihina rin ito bilang remnant low pressure area.
Mula ngayon araw ng Huwebes hanggang Linggo, daraan ang remnant low pressure area ni Querubin sa Mindanao, Sulu Sea, at Palawan.
“Although a weakening scenario is expected, possible re-development into a tropical depression may occur once the remnant low of Querubin reaches the West Philippine Sea,” pahayag ng PAGASA.
EVELYN GARCIA